Kaanak ng OFWs sumugod sa tanggapan ng PhilHealth

SUMUGOD ang mga kaanak ng overseas Filipino workers (OFWs) at mga kawani ng Migrante International sa tanggapan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Pasig City.

Sinabi ni Migrante International Chairman Gary Martinez, na ito ay bahagi ng patuloy na pagkondena nila sa Circular 22 ng PhilHealth Board na nagtatakda ng umento sa PhilHealth premium ng mga OFW.

Nauna nang sinabi ni PhilHealth Vice President for Corporate Communications Greg Rolloda, na P1,200 na lamang ang health insurance na sisingilin sa mga OFW na papalabas ng Pilipinas at ito ay hanggang 2013 lamang.

Pagsapit ng 2014, muling tatalakayin ang P2,400 na PhilHealth premium na siyang nakapaloob sa Circular 22 ng PhilHealth board na siyang sisingilin sa kada kontrata ng OFW na paalis ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply