Kaanak ni Mrs. Corona ipatatawag sa impeachment trial

NAKATAKDANG ipawatag ng House prosecution panel ang may-ari ng isang kompanya at ilang kaanak ni Cristina R. Corona upang patunayan kung talagang umutang si Chief Justice Renato Corona ng halagang P11 milyon dito noong 2003.

“We are studying the possibility to summon the company of Mrs. Cristina Corona where allegedly, the Chief Justice obtained an P11 million loan,” ayon kay Quezon Rep. Erin Tañada ngayong araw.

Kasabay nito, ipapatawag din ng House panel ang Securities and Exchange Commission upang ilantad ang kasalukuyang kalagayan ng Basa and Guidote Enterprises Inc., na sinasabing pinag-utangan ni Corona ng P11 milyon alinsunod sa nakatala sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) noong 2003.

“We will ask the SEC to produce the registration documents where he got the loan. Who authorized the grant of such loan,” giit pa ni Tañada.

Sinuportahan naman ni Marikina City Rep. Federico “Miro” Quimbo ang pahayag ni Tañada na ipatawag ang SEC upang linawin ang tunay na kalagayan ng naturang kompanya kaya ipasusumite sa Impeachment Court ang lahat ng dokumentong may kaugnayan sa naturang kompanya.

“It will strengthen the case against Corona,” ayon kay Quimbo.

Sa paghahanap sa naturang kompanya, lumilitaw na wala nang nakalistang Basa-Guidote Enterprises Inc., sa listahan ng mga rehistradong kompanya ng SEC na siyang sinasabi sa http://iregister.sec.gov.ph/MainServlet,

“There are no registered companies that matched your query,” ayon sa site.

Sa kanyang SALN noong 2003 hanggang 2004, nagtala si Corona na may pagkakautang siyang P11 milyon mula sa Basa-Guidote Enterprises Inc., at bumagsak sa halagang P8 milyon noong 2006, P6.5 milyon noong 2007, P5 milyon nitong 2008, P3 milyon nitong 2009 at lubos nang nabayaran nitong 2010 base sa mga SALN alinsunod sa naturang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply