Kagamitan sa pangingisda iprinisinta sa Sulu

UPANG mas maitaas pa ang angkat ng kabuhayan ng mga mangingisda sa Banguingui, Sulu, iprinisinta kaninang umaga ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ilang kagamitan sa pangingisda at patrol boats.

Ayon pa sa mga lokal na opisyal doon, ang mga kagamitang pangisda at patrol boats ay resulta ng kauna-unahang pagbisita ng isang BFAR national director sa kanilang lugar.

Marami umanong proyektong pangkabuhayan ang inirekomenda ng BFAR experts na ang layon ay maiahon sa kahirapan ang mga residente sa naturang lalawigan na karamihan ay mangingisda.

Para naman kay BFAR Director Atty. Asis G. Perez, sa pamamagitan ng tamang pangangasiwa sa likas na yaman at mas pinalakas na pagbibigay proteksyon sa coastal areas, malaki ang potensiyal ng isla na mapabuti nito ang kanilang estadong pang-ekonomiya.

“Your seas harbor millions and millions of fry and fingerlings of commercially-important fish and crustaceans that could serve as the country’s largest natural hatchery”, ani Perez.

Aniya pa, sapat ang mga yamang tubig ng Sulu para tugunan ang lumalaking pangangailangan ng fish cage operators, lalo pa ngayon na may mahigit 60 mariculture parks ang naitayo na ng BFAR at iba pang katuwang na lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Idinagdag pa ni Perez na kaya ng BFAR na turuan ang mga lokal na mangingisda ng nasusustenang pamamaraan ng pagkuha ng fish fry at fingerlings.

Sa pagtitipon naman kasama ang lokal na mga residente, barangay at municipal officials, ipinakita ni Perez ang P4 milyong halaga ng livelihood packages na kinabibilangan ng 10 shallow water payao (P50T/unit); 200 units ng seaweed farm materials (P1 million); 28 units ng 16HP motor engines para sa Bantay Dagat patrol boats; at isang ice maker machine. Robert C. Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply