Kahirapan hindi hadlang

BAGAMA’T sa pinakabagong survey ng SWS ay bumaba ang bilang ng tao na naniniwala na mahirap sila, hindi maitatanggi na marami pa rin ang mahirap at patuloy na naghihirap. Ngunit mas mahalaga siguro ay ilan sa mga bilang na mahihirap ang naniniwalang aasenso pa rin sila sa kabila ng kahirapan.

Si Lazar Meir ay ipinanganak sa Russia noong 1885 ngunit dahil sa kalupitan ng pamahalaan noon ay napilitang pumunta ng Canada ang pamilyang Meir. Sa Canada ay halos walang makain si Lazar at madalas saktan ng malupit niyang ama.

Noong binatilyo na si Lazar ay pumunta siya sa Boston upang maghanap ng trabaho. Pinalitan niya ang kaniyang pangalan ng Louis B. Mayer at nagbenta siya ng mga scrap metal para mabuhay.

Mahilig sa stage show si Mayer kaya bumili siya ng lumang burlesque house. Naging popular noon ang pelikula kaya ginawa niyang sinehan ang binili niyang burlesque house. Doon nag-umpisa ang pag-asenso ni Mayer at nagpunta siya sa Los Angeles at nakabili ng iba pang sinehan. Nakilala niya ang future business partners niya na sina Samuel Goldwyn at Marcus Loew na may ari ng maliit na film production na Metro Pictures.

Nag-produce sila ng maraming pelikula na kumita sa takilya. At doon naging multi-millionaire si LAZAR. Ang kanilang film production ay ang METRO-GOLDWYN-MAYER o MGM.

Isang batang babae ang ipinanganak ng mga teenager nilang magulang. Hindi kasal ang mga ito at walang trabaho. Habang lumalaki ang batang ito ay ilang ulit na minolestiya ng kaniyang mga kamag-anak na lalaki.

Naghiwalay ang kaniyang magulang at minabuti ng babae na tumira kasama ang kaniyang ama.

Mabait ang kaniyang ama at tinuruan siya na magbasa. Masipag mag-aral ang anak at noong siya ay pumasok sa paaralan ay matataas ang kanyang marka.

Pagkatapos ng pag-aaral sa edad na 19 anyos ay nakuha siya bilang isang reporter.

Doon nagsimula ang kaniyang pag-asenso at ngayon ay ubod na ng yaman.

May sarili na siyang TV station at tinaguriang REYNA ng talkshows. Malaki rin ang naging bahagi niya sa pagkapanalo ni Barack Obama bilang pangulo ng U.S.

Ang batang babaeng ito ay kilala ngayon bilang si OPRAH WINFREY.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply