Kahit sino hindi hapi sa mahal na kuryente

TUMINDIG ang lahat ng aking balahibo, Suki, nang inaprubahan ng diyaskeng Energy Regulatory Board ang pagtataas ng halaga ng kuryente para sa mga malalayong lugar sa kabihasnan.

Halos P1.50 ang dagdag-presyo sa bawat kilowatthour.

Alam ba ninyo ang kalagayan ng mga nasa liblib na pook o malalayong isla?

Sila ang mga pinakamahihirap na nilalang sa repablik ni Juan.

Sila yung halos kent apord sa minimum na bayarin sa kuryente.

At lalo pang itinaas ang kanilang bayarin sa kuryente.

Palagay ko, bak to besik sila o gagamit sila ng kolman o langis ng niyog para magkailaw.

Mapipilitan naman ang iba na magnakaw ng kuryente.

Kung hindi naman, mababalitaan na lamang natin na may mga minamasaker na palang mga meter reader o kolektor ng bill.

oOo

Dito ko naalaala si Manong Johnny na lumalaban sa mahal na kuryente.

Lalo ngayong may kahilingan namang itataas din ang bayarin sa mga nasa kabayanan at kalunsuran.

Mahigit na P4 kada kilo-watthour.

Paano kung pagbibigyan din ng ERB ang kahilingan ng mga kompanya ng kuryente para sa P4 na dagdag-presyo?

Sa totoo lang, hindi na ako natutuwa, hindi na ako hapi sa nangyayaring ito.

At palagay ko, wala nang hapi, kahit sino mula sa Batanes hanggang Jolo.

oOo

‘Di ba may pangako ang Kongreso at Malakanyang na sa pag-iral ng Electric Power Industry Reform Act ay magiging mura ang kuryente sa kalaunan?

Kabaligtaran naman ang nagaganap!

Mas masahol na ang nagaganap kumpara sa problema noon sa purchased power adjustment.

Hu-hu-hu!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply