Kakaibang cover girls

PAREHONG umaani ng panunudyo at panglalait ang mga cover pictures sa magkaibang magazines nina Jinkee Pacquiao at Charice Pempengco.

Hindi na namin isusulat ang pangalan ng dalawang magazine, suffice to say na hindi naman nakatulong yung pagko-cover nila sa dalawang celebrities.

Sa halip kasi na umani ng papuri si Jinkee dahil nagmistula mestisilyang starlet ang arrive niya sa cover, nilait-lait pa siya nang husto to the point na may tag- line pang para daw siyang half-human-half science. Meaning, wala ng original na natira ni katiting sa mukha ng dyowa ni Madam Pacquiao. Lahat na lang daw ay ginaya kung kani-kanino.

Ang mas masakit, alanganin daw ang hitsura ni Jinkee na hindi mo malaman kung kamuk -ha ba ni Kristine Hermosa, ni Krista Ranillo o ng isa pang babaing sabit kay Man- ny, na si Kat something.

Si Charice naman, bangs kung bangs ang drama. Can you imagine na yung ganun kabilog na mukha ni Charice, nilagyan ng bangs. Kayo nang humula kung ano ang naging korte ni Charice sa naturang cover.

All right, di naman si Charice pero mukhang hindi na siya yung nasa retrato dahil sa heavy photoshopping and very heavy makeup, puwedeng kaluluwa na lang ni Charice ang nasa cover. Gumanda talaga si Charice kahit na sa tunay na buhay, pangit naman siya.

Need we say more? (Hahahahahaha! You’re downright bitchy! – Ed)

Nora Aunor operation postponed

DAPAT ay umalis kahapon si Nora Aunor patungong Boston para ipaopera ang boses na matagal nang plano. Pero as we write, nakarating sa amin ang balitang hindi raw natuloy sa pag-alis ang Superstar dahil hindi pa tapos ang papeles ng kanyang Girl Friday na gusto niyang isama.

Kasama ring lilipad ni Ate Guy si John Rendez at excited na nga raw sana ang singer -actress dahil alam naman nating matagal na niyang gustung-gustong bumalik ang kan- yang boses.

Hindi pa alam kung kailan makaaalis ang Superstar, pero sa kanyang pagbalik, tata- pusin niya ang natitira niyang mga eksena sa El Presidente opposite Gov. ER Ejerci- to.

Matatandaang nawala ang ‘golden voice’ ni Ate Guy noong 2010 at ayon nga sa kanyang reklamo, ito ay dahil sa cosmetic procedure na ginawa sa kanya sa Japan.

Buntis na si Pia Guanio

Ito’y kanyang in-announce noong Enero 5 sa noontime variety show ng GMA-7 na Eat Bulaga kung saan siya’y isa sa mga co-hosts.

Sabi pa niya, “Siyempre, unang makakaalam ang Dabarkads!”

“Dabarkads” ang tawag ng mga hosts ng Eat Bulaga! sa kanilang sarili.

Limang linggo na raw siyang buntis sa asawa niyang si Steve Mago, ngunit kahapon, Enero 4, lamang nila ito nalaman.

Matatandaan na noong Oktubre 1, 2011, ikinasal sila sa tahanan ng mga magulang ni Steve sa Ayala, Alabang.

Ito’y limang buwan matapos ang engagement nila noong Mayo 7, 2011.

Pribado lamang ang kanilang naging kasal, na dinaluhan ng kanilang mga kamag-anak.

Pero, pinaplano rin daw nilang mag-asawa na magkaroon ng “bigger wedding” para maim -bitahan na ang mga kaibigan ni Pia sa showbiz.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply