Kalusugan sa kulungan (2)

SA kagustuhan ni QC Jail chief Supt. Joseph Vela na maging ligtas ang mga preso sa

pagkahawa mula sa sakit na tuberculosis ng ibang preso, hiningi niya ang tulong ng pamahalaan ni Mayor Bautista kaya nakapaglagay ng Sputum Lab sa QC Jail noong Nobyembre 11, 2011 at napadali ang pagtukoy sa mga presong may sakit na TB.

Kaagad na binigyang lunas ang mga presong ito.

Bukod pa rito, ipinatupad nina Manila City Jail chief Supt. Ruel Rivera at Vela ang “No Smoking policy” sa kanilang mga kulungan kaya naman naging mapulitika para sa kanila ang pamumuno sa kani-kanilang mga kulungan.

Batid naman natin na halos 90 porsiyento ng populasyon ng kulungan ay pawang naninigarilyo dahil dito na lang ibinubuhos ng mga nakapiit ang kanilang oras at pag-iisip.

Mahirap man, ngayon ay wala nang naninigarilyo sa mga nasabing kulungan. Isang pagpapahalaga sa kalusugan.

Isang paraan pa upang maiwasan ang pagkakasakit sa kulungan, naisipan ni Vela ang pagpapagawa ng isang garbage room na may chimney na nagsisilbing singawan ng masamang amoy ng mga basura.

Dahil sa kanyang hakbang, natutong magtapon ang mga preso sa tamang tapunan ng basura at hindi na ito nilalangaw o nangangamoy pa.

Ang lahat ng kanilang mga nagawa ay pinasasalamatan ng nakararaming preso.

Subalit ang pinakagusto ng mga presong hindi nadadalaw ng kanilang pamilya dahil malayo ang mga ito ay ang E-Dalaw na inilunsad ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa tulong na rin ng tanggapan ng Solicitor General at ipinatutupad sa Manila at QC Jail.

Ito ang paggamit ng makabagong paraan tulad ng computer kung saan may komunikasyon ang preso sa kanyang mga mahal sa buhay na nasa malayong lugar maging ito ay sa ibang bansa man.

Kaya naman, para sa ibang kulungan, sana ay matularan ang mga nagawang kaayusan sa Manila at QC Jails upang maging maayos din ang buhay ng mga preso sa kulungan.

Bagama’t sila ay nakahiwalay sa lipunan, dapat ay bigyan ng pagpapahalaga ang kanilang mga kalusugan.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan  ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari   kayong mag-text sa 0921517-5814 o mag-email sa Santi _lean11@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply