Kalusugan sa kulungan

MARAMI sa mga kulungan sa bansa ang napababayaan ang mga presong nakapiit at halos mahiwalay na sa lipunang kanilang dating ginagalawan dahil sa kasalanang kanilang ginawa o posible ring hindi naman nagawa.

Katulad din sa pamayanan o barangay, mapulitika rin ang kulungan katulad ng Manila City Jail at Quezon City Jail kung saan ang mga warden dito ay talagang pinagbuhusan ng isip at panahon ang pagpili na sa madaling salita ay hindi basta-basta.

Katulad ng pulitika, kailangang ang mauupong warden sa mga kulungan ay may political will o kakayahang ipatupad kung ano ang ipinag-uutos sa itaas at kaya rin niyang pasunurin ang kanyang mga tauhan na ipatupad ang nararapat na batas sa kanilang mga binabantayang preso.

Sa Manila City Jail na pinamumunuan ni Sr. Supt. Ruel Rivera at QC Jail na pinamumunuan naman ni Supt. Joseph Vela, matindi ang pulitikang kanilang kinahaharap.

Subalit dahil kapwa sila may angking kakayahan na pamunuan ang puwestong ipinagkatiwala sa kanila, maayos ang takbo ng kanilang mga kulungan.

Sa Maynila, naitayo na ang isang mini-hospital kung saan ito ay pinasinayaan noong nakaraang taon habang sa QC ay kasalukuyang pinag-uusapan ito at inaasahang maitatayo sa taong ito sa tulong ng Quezon City Government sa administrasyon ni Mayor Herbert Bautista.

Dahil si Vela, ang warden ng QC Jail, ay nagtapos ng nursing, batid niya ang ka-halagahan ng kalusugan kaya naman nais niyang maisakatuparan ang isang mini-hospital kung saan may 60 kama ito para sa mga presong may sakit at kuwarto para naman sa mga nurse ng maliit na pagamutan.

Sa kagustuhan ni Vela na maging ligtas ang mga preso sa pagkahawa mula sa sakit na tuberculosis ng ibang preso, hiningi niya ang tulong ng pamahalaan ni Mayor Bautista kaya naka-paglagay ng Sputum Lab sa QC Jail

noong Nobyembre 11, 2011 at napadali ang pagtukoy sa mga presong may sakit na TB. (ITUTULOY)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply