Kamara handa na sa impeachment trial ni Corona

NAKAHANDA na ang mga ebidensya at testigo ng prosecutors mula sa Kamara de Representantes na magdidiin kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona para sa pagsisimula ng impeachment trial nito.

Ang 11-man prosecutors House panel ay nakapagsumite na ng sagot sa Senado sa pangunguna ni Chief Prosecutor at Iloilo Rep. Niel C. Tupas.

“The Reply that we filed today entirely debunks all of the defenses raised by CJ Corona in his Answer. With this submission, we are all the more confident that the Senate will be convinced of the strength of our case and will convict CJ Corona for betrayal of public trust.”

Umabot sa 38 pahina ang sagot ng prosekusyon sa mosyon ni Corona kabilang ang “(1) the immediate denial of Corona’s prayer for the dismissal of the complaint; (2) that the trial proceed immediately; and (3) to convict CJ Corona for betrayal of public trust.”

Kumpiyansa rin si Tupas na sapat ang kanilang mga inihaing ebidensya upang mahatulan si Corona at mapatalsik sa puwesto.

Maging si Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares, na isa ring miyembro ng prosekusyon, ay kumpiyansang malalakas ang walong charges laban sa Punong Mahistrado at maaaring mahatulan ito subalit ang pinakamalakas talaga dito ay ang pito pang article of impeachment kung saan sangkot si Corona sa pag-iisyu ng TRO laban sa watchlist order ng Department of Justice (DOJ) kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang sagot ng prosecution panel ay kaugnay sa motion ni Corona sa Senado na magsagawa muna ng hearing upang masiguro na ang mga akusasyon laban sa kanya ay nasuri ng 188 na mambabatas na pumirma sa impeachment complaint.

Taliwas naman dito ang pananaw ni House Minority Leader Edcel Lagman na nagsabing “it is not sufficient that a third party explained to the complainants the contents of the complainant or showed to them a power point presentation. Personal reading and appreciation of the complaint is mandatory.”

Binanggit pa nito na napaka-imposible na mabasa at maunawaan ng may 188 lumagdang kongresista ang 57-pahinang reklamo sa loob lamang ng halos dalawang oras gayung apat na kopya lamang ang ipinakalat at pinalagdaan sa mga kongresista.

“Clearly, overkill can boomerang and inordinate alacrity can breach the rules,” paliwanag ni Lagman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply