‘Kamatayan lang ang makapagpapatalsik sa akin’– Corona

“KAMATAYAN lang. Kung gusto nilang tanggalin ako dito, patayin nila ako.”

Ito ang sinabi ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona, bilang sagot sa mga panawagang magbitiw na siya sa puwesto.

Ayon sa punong mahistrado, handa siyang isakripisyo ang buhay upang
mapangalagaan ang hudikatura na kanyang pinaglilingkuran.

Sinabi naman ni dating Justice Undersecretary Ramon Esguerra, miyembro ng defense team ni Corona, na ipinauubaya na ng chief
justice ang lahat sa Diyos upang malinis ang kanyang pangalan.

Ani Esguerra, na nauna nang hinusgahan ng publiko si Corona
kaya hindi madali ang pagharap nito sa impeachment trial.

Nais din ng mga defense lawyer ni Corona na dumalo ito sa pagdinig
upang makaharap mismo ang mga nagsampa ng kaso laban sa kanya.

Nabatid na 12 sa 30 defense team ni Corona ang dadalo sa paglilitis ngayong hapon sa Senado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply