Kampanya kontra rabies inilunsad

UPANG higit na mapangalagaan ang alagang hayop, inilunsad na ng pamahalan Ilocos Norte ang programang “Guard CARE Project” para sa pagbibigay ng libreng edukasyon at bakuna kontra rabies.

Ang proyekto ay panukala ng Community Against Rabies Exposure (CARE), isang national organization na tumutulong sa pagpuksa sa panganib na maaaring idulot ng rabies sa bansa.

Kabilang sa mga layunin ng proyektong ito ay ang pagnanais na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga tao sa usaping rabies at planong isali sa kurikulum ng elementarya at sekundarya ang mga karaniwang impormasyon tungkol sa kumakalat na virus.

Isa rin dito ang pagpuksa sa pinanggagalingan ng virus, partikular na sa mga aso. Kadalasan umano ay apektado rin ng rabies ang iba pang hayop kagaya ng mga baka at kalabaw.

Maliban pa sa mga ito, layunin din ng programa na ipaalam sa mga tao ang tungkol sa pagkakaroon ng mga batas ukol sa nasabing adhikain, tulad ng Animal Welfare Act at Anti-Rabbis Act na pawang nagpaparusa sa mga taong lumalabag dito.

Ayon kay Dr. Loida Chee, provincial veterinarian ng Ilocos Norte, bukod sa libreng bakuna ay nagsasagawa rin sila ng lektyur sa kahalagahan ng pagsasagawa ng regular na pagbabakuna sa mga opisyales ng barangay.

“Sa programang ito, inuuna pa rin naming ang regular na pagbabakuna para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan, kasi binabalewala lang nila ang rabies,” sabi ng doktor.

Tinututukan din ngayon ng ahensya ang pagtuturo sa mga tao sa hindi magandang dulot ng pagkain ng karne ng aso. Malaki kasi ang posibilidad na maaaring makakuha ang mga tao ng rabis dito. Iminumulat din nila ang mga tao sa batas na nagbabawal sa pagkatay at pagkain sa mga ito.

“Hindi lamang rabies ang maaari nilang makuha sa pagkain ng karne ng aso, marami pang iba’t ibang sakit. At nais naming bigyang-diin na ang aso ay hindi naman talaga kinakain,” dagdag pa ni Dr. Chee.

Sa ngayon, nasa proseso ng pagkuha ng mga magboboluntaryo para sa nasabing proyeko.

Nangangalaingan ng mahigit isang libong boluntaryo para maisakatuparan ang layunin ng nasabing ahensya na gawing ligtas ang lahat ng alagang hayop sa bawat barangay sa lahat ng munisipyo sa probinsya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply