Kampanya laban sa paputok paiigtingin pa

HIGIT pang paiigtingin at pagbubutihin ng Department of Health (DOH) ang kanilang kampanya laban sa paputok sa gagawing pagsalubong ng mga Pinoy sa Taong 2013.

Ito ang tiniyak ng DOH matapos makapagtala ng kabuuang 1,021 injuries sa pagsalubong sa Taong 2012 mula Disyembre 21, 2011 hanggang Enero 5, 2012.

Batay sa monitoring ng DOH, lumilitaw na ang naturang bilang ay mas kaunti ng isang kaso (0.1%) kumpara sa naitalang 1,022 kaso noong nakaraang taon.

Sa nasabing bilang, 987 (97%) ang nasugatan dahil sa paputok, 29 (3%) ang nasugatan dahil sa stray bullet o ligaw na bala at lima (0.5%) ang dahil sa firework ingestion o pagkalulon ng paputok.

Itinuturing naman itong ‘deadliest New Year celebration’ matapos makapagtala ng apat na kataong namaty. Tatlo ay namatay matapos tamaan ng paputok, habang ang isa ay namatay naman dahil sa ligaw na bala.

Hindi pa kasama sa naturang bilang ang isang anim na taong gulang na batang lalaki na nasawi matapos masabugan ng paputok na binili nila ng kaniyang ama sa Norzagaray, Bulacan.

Pinakamaraming nasugatan sa paputok sa National Capital Region (590 o 60%) at aabot sa 446 (45%) ang sanhi ng illegal fireworks.

Ani Ona, gagamitin nila ang resulta ng kanilang isinagawang monitoring sa pagbuo ng panibago at mainam na istratehiya upang makaiwas sa disgrasya ang mga mamamayan sa pagsalubong sa Taong 2013.

Isa sa plano ng DOH na gamiting estratehiya ay ang total ban on individual use ng paputok.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply