Kampo ni Corona pinagpuyatan ang inihandang depensa

PINAGPUYATAN ng kampo ni Chief Justice Renato Corona ang paghahanda para sa panimulang impeachment trial ngayon sa Senado.

Sa katunayan, inabot ng alas-3:00 ng kaninang madaling-araw ang paghahanda ng depensa.

Nabatid na magdamag ang kanilang ginawang pag-aaral sa Articles of Impeachment at mga batas na gagamitin sa depensa.

Ayon kay former Justice Serafin Cuevas at miyembro Defense Team ni Corona, ngayong araw ay maghahain sila ng mosyon para sa preliminary trial ng kaso.

Binanggit din nito na haharap na sa unang araw ng paglilitis si Corona alinsunod ng kanilang napagkasunduan noong gabi ng Sabado (Enero 14).

Mamaya na  bubuksan ng Senado ang impeachment trial ni Corona at ito ang posibleng maging daan para matapos na ang panunungkulan nito bilang pinuno ng hudikatura sa bansa o ‘di kaya naman ay ang pagtatapos ng mga alegasyon laban sa kanya.

Nabatid na handa na ang Senado sa naturang trial, habang gigil na ang prosecution team na uusig kay Corona samantalanh tahimik namang naghahanda ng depensa ang kampo ng punong mahistrado.

Pero bago ang trial properay sinabi ni Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto III na kanilang reresolbahin sa isang caucus ang lahat ng mga motion at pleadings na inihain ng magkaibang panig bago simulan ang trial.

Ilan sa mga reresolbahin ay ang mosyong inihain ng kampo ni Corona na magkaroon ng preliminary hearing ng kaso bago ang aktuwal na paglilitis nito at ang mosyon ng pag-contempt sa mga miyembro ng House Prosecution Panel dahil sa pag-discuss ng merito ng kaso sa publiko. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply