Kapalit ni Rep. Arroyo idadaan sa eleksyon

SA sandaling maideklara ng Kamara de Representantes na bakante ang posisyon ng namayapang kinatawan ng ika-5 distrito ng Negros Occidental na si Rep. Iggy Arroyo ay mahalagang magkaroon na ng special election sa nasabing distrito.

Ito ang naging pahayag ni House Majority Leader Neptali Gonzales III na nasabing mahalagang mailagay na sa pormal ang paghahain ng resolusyon ng Kamara para ideklarang bakante ang distritong kinakatawan ni Arroyo.

Sa madaling panahon aniya ay mahalagang magpatupad ng special elections ang Commission on Elections (Comelec) para mahirang ang hahalili sa namayapang mambabatas.

Una nang naiulat na tatayo munang caretaker si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. para sa distrito ni Arroyo.

Idinagdag pa ni Gonzales na hindi naman apektado ang paglalabas ng Department of Budget and Management ng pork barrel funds para sa mga proyektong nakalaan sa mga kababayan ng namayapang kongresista.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply