Kapangyarihan ng NBI na mag-isyu ng mission order pinawalang bisa

IPINAWALANG-BISA ni Justice Secretary Leila de Lima ang kapangyarihan ng Chief Security Management Division ng NBI hinggil sa pag-iisyu nito ng mission order at pagdadala ng baril sa mga non-organic agent.

Bunsod ito nang kasong extortion sa isang Japanese national.

Sa imbestigasyon ng panel of prosecutors sa nasabing kaso, lumitaw na may 30 non organic personnel ang sangkot sa operasyon ng pagkuha kay Noriyo Ohara sa Pangasinan.

Maghihigpit at lilimitahan na rin si De Lima sa pagkuha ng confidential agents na dapat sumunod sa guidelines ng DOJ.

Nangangamba si De Lima na baka dumami nang dumami ang confidential agents ng NBI na mas marami pa sa organic personnel ng NBI.

Sa Miyerkules, isusumite na ng panel kay De Lima ang resulta ng kanilang imbestigasyon hinggil sa reklamo ng poster parent ni Ohara.

Si Mario Garcia, chief ng SMD, ay una nang ni-relieve si Dir. magtanggol Gatdula.  Si Gatdula ay sumalang na rin sa imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply