MPD naghahanda sa Pista ng Itim na Nazareno

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang pulisya sa mga opisyal ng Quiapo church para sa inaasahang pagbuhos ng mga deboto para sa nalalapit na Feast of the Black Nazarete sa Enero 9.

Magkakaroon ng pagpupulong ang pamunuan ng Manila Police District at Quiapo church ngayong araw para sa paghahanda at paglalatag ng mga security measures para sa event.

Ayon kay MPD spokesman, Chief Inspector Erwin Margarejo, aalamin nila sa mga opisyal ng Quiapo church  ang detalye ng ruta  para sa gagawing prosisyon.

Inaasahan umanong mas marami ang  deboto na magtutungo ngayon kumpara noong nakalipas na taon kaya naman puspusan na ang paghahanda ng kapulisan upang maiwasan ang anumang hindi magandang pangyayari.

Nabatid na noong nakalipas na kapistahan ng Quiapo ay umabot sa pitong milyong deboto ang nagsimba kaya naman mas malaki pa umano ngayon ang posibleng magtungo sa sagradong simbahan upang manalangin para sa mga nangyaring trahedya at ang masamang dulot ng climate change sa buong mundo.

Noong nakaraang  taon ay may naiulat na 708 katao ang nagtamo ng minor injuries sa kapistahan ng Black Nazarene dahil sa pagtutulakan at sobrang siksikan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply