Kapitan itinumba sa Isabela

PATAY ang isang barangay captain nang pagbabarilin sa Ramon Isabela, kaninang alas-3:30 ng hapon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Barangay Kapitan Ronaldo Abaya ng Barangay Raniag Ramon Isabela.

Nabatid na pinagbabaril si Abaya ng riding-in-tandem lulan ng itim na TMX 155 motorcycle na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Ikinamatay ng biktima ang dalawang tama ng bala ng baril sa ulo at isa sa tagiliran.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya kung sino at ano ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply