Kaplastikan ng StarStruck Batch 1 kay Tyron Perez sinopla ni Manay Lolit

LAST Saturday sa Startalk ay guests ang limang youngstar na sina Mark Herras, Yasmien Kurdi, Sheena Halili, Alvin Aragon at Christian Esteban na mga naging ka-batch noon ni Tyron Perez sa StarStruck 1.

Pana’y ang kuwento nina Yasmien at Sheena sa ere na noong buhay pa si Tyron ay nagti-tweet ito sa kanila at naglalambing ng reunion. Ito raw ang parating request sa kanila nito, ang magkita-kita silang muli para magkakumustahan.

Pero mayroon man lang bang tumugon sa gustong ito ng nagpakamatay kamakailan na actor? Wala! Kasi nga maliban sa busy ang karamihan sa mga ito tulad ni Jennylyn Mercado, wala na silang weder sa kasamahan nilang bagsak na ang popularidad. Mabuti pa nga itong si Cristine Reyes kahit na sobrang busy pa ito sa kanyang thrice a week taping para sa top-rating teleserye nitong “Reputasyon” ay nakukuha pa rin ng young sexy actress na makipagkumustahan sa kaibigang actor. Hayun! Dahil sa kaplastikan ng kanilang mga guests, sinopla silang lahat ni ‘Nay Lolit Solis na maging big lesson sa mga ito ang nangyari kay Tyron at next time kapag may kagrupo sila na humiling ng reunion ay huwag na nilang dead-mahin at pagbigyan na.

By the way, nailibing na pala si Tyron na huling napanood sa remake teleserye na “Mula Sa Puso.” Muli, mula rito sa aming pahayagang Remate ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ng mahusay na actor.

***

‘Himala’ ng pamilya, masasaksihan sa ‘Ikaw ay Pag-ibig’

LUMALANTAD na ang mga ikinubling katotohanan sa gitna ng patuloy na paglalakbay at ‘paghihimala’ ng mga bata sa top-rating Primetime Bida teleseryeng Ikaw ay Pag-ibig na pinagbibidahan nina Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, Louise Abuel, at Mutya Orquia. Sa muling pagkukrus ng landas nina Agnes (Dimples Romana) at Mario (Alfred Vargas), kapwa kaya nilang matuklasan na ang Nonoy (Zaijan) na nakilala nila ay ang nawawala nilang anak na si Julius? Iwan na kaya ni Nonoy ang mga kaibigan sakaling mabuo na ang kanyang pamilya?

Tuklasin ang hiwagang idudulot ng pagkabuo ng kanilang pamilya sa mas kapana-panabik na kuwento ng Ikaw ay Pag-ibig, gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs- cbn.com, sundan ang @IkawayPagibig sa Twitter, o i-‘like’ anghttp://www.facebook.com/IkawayPagibig

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply