KAPRITSO NG LAMAN (Ika-10 labas)

NAGPAUNLAK si Jason sa imbitasyon nina Sally at Tina. Nakialmusal siya sa dalawang babae. Dahil wala tala-gang planong pumasok, nang makatapos silang mag-almusal ay inatasan ng huli ang una na gumayak at siya na ang bahalang magligpit ng kanilang pinagkainan.

Habang naliligo si Sally, nakaupo naman sa salas at matiyagang naghihintay si Jason.

Ayaw ng una na mainip sa paghihintay ang lalaki kaya binilisan niya ang pagkilos.

Matapos ang may trenta minutos, bumaba na siya ng hagdanan na naka-ready na sa pag-alis.

Nakita niyang kaumpok ni Jason si Tina at nag-uusap ang dalawa sa salas.

“Tara na! I’m ready to go!” nakangiting sabi ng babae sa lalaki.

Tumayo na si Jason sa pagkakaupo para umalis.

Sabay silang nagpaalam kay Tina bago lumabas ng pintuan.

May pahabol ang huli sa lalaki.

“Ingatan mo ang kaibigan ko, ha! Dalaga pa iyan!” pabi-rong sabi ni Tina.

“Loka!” irap naman ni Sally sa kaibigan.

Ilang saglit pa at lulan na sila ng kotse ni Jason.

“Saan ka ba nakatira?” naisipang itanong ni Sally sa lalaki habang sila ay nagbibiyahe.

“Kung okey lang sa iyo, dumaan tayo sa tinitirahan ko mamaya. Bibili ako ng food sa labas pero sa house ko tayo mag-dinner. Okey ba sa iyo?” nakangiting tanong ng lalaki.

“Hmn… why not? Pero huwag tayong magtatagal, ha! Baka hintayin ako ni Tina. Lukaret iyon. Tiyak na kung ano ang iisipin ng gagang iyon oras na umuwi ako ng gabing-gabi na at magkasama tayong dalawa,” sagot naman ni Sally.

Natawa si Jason bago nagsalita.

“Huwag kang mag-alala. Ihahatid kita sa tinutuluyan mo nang maaga!” sagot ng una.

Nakarating sila sa mall na pinapasukan ni Sally.

Hindi na nagpahatid ang babae sa puwesto nila para hindi maabala ang binata.

Papasok din kasi ito sa trabaho.

Pero naghiwalay sila na may matibay na usapan. Susunduin ni Jason si Sally mamayang uwian. Nang pumasok na sa mall ang babae, umalis na ang lalaki.

Inspirado si Sally sa pagtatrabaho sa buong magha-pon. Kapuna-puna ang taglay niyang kasiglahan sa pag-eentertain sa mga kostumer.

Kaya malaki ang sales niya ng araw na iyon. Tuwang-tuwa ang jewelry store owner.

“Just continue the good work, Miss Madrinejo. Kapag ganito lagi ang sales natin, hindi ako magdadalawang isip na mag-share ng blessing sa iyo,” nakangiti niyang sabi.

“Thank you, Mam!” masayang sagot ni Sally.

Tuwang-tuwa ang mga kasamahan ng babae. Damay kasi silang mabibiyayaan dahil sa effort na ipinakikita ng una.

Hindi naman nagtagal at dumating na ang sundo ni Sally.

“Kaya naman pala inspirado ka sa pagwo-work, ang guwapo ng sundo mo,” biro ng kababayang si Lynda.

“Siya si Jason. Kaibigan ko lang siya!” sagot naman ng babae.

“Saan ba nauuwi ang isang magandang relasyon kundi sa pagiging magkaibigan,” tumatawang sagot naman ng kasamahang saleslady.

Lumakad na ang dalawa.

Tinupad ni Jason ang pangako na isasama niya si Sally sa tinutuluyang condo unit sa downtown Taipei.

Mataas na gusali ito.

Maganda at ultra modern ang mga pasilidad.

Nasa 37th floor ang unit ni Jason. Hindi naiwasang hu-manga ni Sally nang makapasok sa loob.

Mas malaki ito at mas maganda sa unit ng kaibigang si Tina.

“Sinong kasama mo rito?” tanong ng babae.

“Wala! Naghahanap pa!” sagot ng lalaki habang malagkit na nakatingin kay Sally.

“Puwede ba? Huwag mo naman akong tingnan nang ganyan! Naiilang ako,” nakangiting sagot ng babae.

Tumawa si Jason at dinampot ang telepono.

Dumayal …

Umorder siya ng food sa Seafoods Restaurant sa ibaba. Matapos ito, naglabas muna siya ng juice at pinainom muna si Sally.

“Ganito ang dream house ko. Pero hindi ko siguro kayang umupa ng ganito kalaki at kagandang bahay. Kapag sumuweldo na ako, maghahanap ako ng maliit-liit,” sabi ng babae kay Jason.

“Magkakagastos ka pa. Ang laki ng unit na ito. Dito ka na lang tumira para makalibre ka!” mabilis namang sagot ng lalaki.

Biglang napatingin si Sally kay Jason dahil sa sinabi nito. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply