KAPRITSO NG LAMAN (Ika-11 na labas)

“NAKAHIHIYA naman yata kung dito ako titira. Tiyak na hindi maganda ang iisipin ng iba oras na malamang nagsasama tayo sa loob ng isang bubong gayong wala naman tayong relasyon,” sabi ni Sally kay Jason.

Sinamantala na ng binata ang pagkakataong iyon para magtapat.

“Sa totoo lang, sa una pa lang nating pagkikita ay tinamaan na ako sa iyo. At kaya ako bumili ng singsing ay para ibigay sa iyo,” sabi ni Jason.

Nabigla si Sally sa mabilis na pagtatapat ng binata.

“Bakit mo naman ako bibigyan ng singsing ay hindi mo naman ako nobya?” mabilis na sagot ng babae.

“Hindi importante sa akin kung mahal mo ako o hindi. Ang mahalaga ay mahal kita at handa ko itong patunayan sa iyo,” sabi naman ni Jason.

At bago nakahuma ang babae, mabilis na nadukot ng binata ang maliit na kahita sa bulsa at nailabas ang mamahaling singsing.

Nalaman na lang ni Sally na nakasuot na ito sa kanyang ring finger habang tuwang-tuwang nakatingin ang binata.

“Ang ganda! Bagay na bagay sa iyo!” palatak ni Jason.

Tinangkang tanggalin ito ng babae pero hindi pumayag ang lalaki.

“Naibigay ko na sa iyo iyan bilang alaala. Huwag mo nang aalisin. Malulungkot ako,” sabi ni Jason.

Bahala ka! Wala akong maibibigay sa iyo na kapalit nito,” sagot ni Sally.

“Okey lang! Ang importante, kahit saan ka magpunta ay dala mo ang puso ko,” nakatawang sabi naman ng binata.

Natapos ang kanilang pag-uusap nang may kumatok sa pintuan.

Binuksan ito ni Jason.

Delivery boy ng pagkain mula sa Seafoods Restaurant sa ibaba ang dumating.

Pinapasok ito ng binata at ipinalagay sa table ang pagkain.

At matapos bayaran ang inorder ay inaya na ni Jason si Sally na kumain.

“Kumain ka, ha! Huwag mong isipin ang sinabi ko. Okey lang kung hindi mo ako kayang tanggapin. Ang importante ay maluwag na ang dibdib ko dahil nasabi ko na sa iyo ang tunay kong damdamin,” sabi ng binata habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Sally.

Lihim na nalulugod ang babae sa lalaki.

Dahil sa pagiging mapagmahal at responsable ni Jason, parang hindi niya maiiwasang bumigay sa una.

Nang matapos silang kumain, nagpresinta si Sally na magligpit ng pinagkainan.

Pinanonood siya ni Jason.

“Sana’y magustuhan mo rin ako. Kung mangyayari iyon, ako na ang magiging pinakamaligayang lalaki sa mundong ito!” aniya.

Hindi nagsalita si Sally.

Pilit niyang iniisip ang asawang si Jude.

Nanghihingi siya ng lakas ng loob sa asawa para makaiwas sa tukso.

Nang matapos siyang magligpit ng pinagkainan, nagpahatid na siya kay Jason.

Mahirap nang magtagal silang magkasama dahil baka matukso na siyang magkasala.

Wala silang imikan habang nagbibiyahe.

Hindi naman siya kinikibo ni Jason.

Hinahayaan siyang makapag-isip hanggang sa makarating sila sa tinutuluyang condo building ng kaibigang si Tina.

Nang pababa na si Sally sa kotse ng lalaki, saka lang nila nagawang mag-usap.

“Thank you ulit!” sabi ng babae.

“Hindi ka dapat magpasalamat. Obligasyon kong sunduin ka at ihatid ka sa iyong pinapasukan araw-araw,” sagot naman ni Jason.

Hindi na nagsalita ang babae at sa halip ay bahagyang bumabay sa lalaki at pumasok na sa condo building.

Nang pumasok siya sa unit ng kaibigan, nagulat siya nang madatnan si Brix na nakahiga sa sofa habang nanonood ng triple x movie.

Naka-short lang siya at walang suot na pang-itaas.

Gustong umiwas ng tingin ng babae sa lalaki.

Parang walang suot na brief ang loko kaya nakabakat ang nagising na alaga dahil sa mainit na palabas na pinanonood.

Patay malisya siyang lumampas.

“Si Tina?” tanong niya na hindi tumitingin.

“May importanteng nilakad. Baka matagalan siya bago umuwi,” sagot ni Brix at bumangon sa pagkakahiga sa sofa.

Dumiretso naman si Sally sa kanyang kuwarto para magbihis.

Naka-bra at panty na lamang siya nang biglang bumukas ang pintuan. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply