KAPRITSO NG LAMAN (Ika-15 na labas)

SI Sally na ang nagluto ng almusal habang lugod na nakamasid sa kanyang tabi si Ja-son.

“Ang sarap talaga ng may babae na kapisan sa bahay. Sana ay mauwi ito sa totohanan,” sabi ni Jason.

“Bakit, biro lang ba sa tingin mo ang ginagawa ko?” hindi tumitinging sagot ng babae.

“Ang ibig kong sabihin, nagsasama tayo na may matibay na relasyon. Hindi ganito na parang nagbabahay-bahayan lang tayo,” sabi ng binata.

Hindi nakaimik si Sally.

Hindi niya magawang makipag-commit sa lalaki dahil may asawa na siyang tao.

Hindi rin naman niya magawang magsabi nang totoo dahil baka biglang magbago ang treatment sa kanya ni Jason.

Ngayong umalis na siya sa poder ni Tina, hindi na niya alam kung saan siya pupunta.

Natapos magluto si Sally, nagtitimpla ng kape si Jason. Ilang saglit pa’t sabay na silang nag-aalmusal.

Habang kumakain sila, panay ang sulyap ng lalaki sa babae.

“Puwede bang asikasuhin mo ang pagkain? Naiilang tuloy ako sa pagsubo. Sa ilong ko tuloy nasusubo ang food, e!” nakangiting reklamo ni Sally.

Natawa si Jason.

“Alam mo, sa bigla mong pagdating sa buhay ko, magiging masaya ang darating na birthday ko,” sabi ng binata.

“Kailan ba ang birthday mo?” excited na tanong ni Sally.

“Malapit na. Next week na!”

Lumungkot ang mukha ni Sally.

“Naku, wala pa akong sahod niyan. Pasensiya ka na. Pagkatapos pa ng suweldo kita mabibigyan ng gift,” sabi ng babae.

“I don’t need material things. Ang presensiya mo ay sapat na para maging masaya ako sa birthday ko,” sagot naman ni Jason.

Hindi nagsalita si Sally.

Nakatungo na nagpatuloy sa pagkain.

Hindi niya matagalan ang titig ni Jason. Para siyang nalulusaw sa mga titig ng lalaki na punong-puno ng pagmamahal.

Hanggang sa matapos silang mag-almusal.

“Mauna ka nang maligo at magliligpit lang ako ng pinagkainan natin,” sabi ni Sally kay Jason habang isa-isang sinasamsam ang mga plato at iba pa na ginamit nila sa
pagkain.

“Yes, mam,” sagot naman ng binata at mabilis nang lumabas ng kusina.

Pagkatapos kasi niyang maligo, si Sally naman ang maliligo para pumasok na sila sa kani-kaniyang pinapasukan.

After one hour, pareho na silang nakagayak para pumasok. Nakasakay na sa magarang kotse ni Jason.

Habang siya ay nagbibiyahe, nag-iisip si Sally. Kung ano ang magandang regalo para sa kaarawan ng binata.

“Paano ka ba nagsi-celebrate ng birthday mo?” tanong ni Sally kay Jason.

“Simple lang. Nagsisimba lang ako. Pagkatapos, kakain akong mag-isa at uuwi sa bahay. Dito na ako solong iinom hanggang sa makatulog,” nakangiting sabi ng binata.

“Kuripot ka pala, e! Hindi ka nagpapakain sa mga kaibigan mo!” kantiyaw ni Sally.

Ang lakas ng tawa ng binata.

“Pero ngayon, may dahilan na ako para maghanda,” maya-maya’y sabi niya.

“Magbo-blowout ka?” nakangiting tanong ni Sally.

“Sa iyo lang!” sagot ng binata saka malakas na tumawa.

Umingos ang dalaga.

“Hmp! Kuripot ka pa rin!” aniya.

“Hindi no! Dahil dadalhin kita sa Kenting resort. Doon tayo magsi-celebrate ng birthday ko,” pagmamalaki ni Jason.

“S-Saan iyon?” sabik na tanong ni Sally.

“Iyon ang nangungunang resort sa bansang ito. Ang lugar na iyon ang paboritong puntahan ng mga bagong kasal para mag-honeymoon.”

“Bakit doon tayo pupunta? Bagong kasal ba tayo at magha-honeymoon tayo roon?” nakairap na tanong ni Sally.

“No naman! Gusto ko lang na makarating ka sa lugar na iyon,” nakatawang sagot naman ni Jason.

Nagpatuloy na sa pagkain ang dalawa.

Panay ang irap ng babae sa binata na hindi naman mapigilan ang matawa.

Hanggang sa makarating sila sa mall na pinagtatrabahuhan ni Sally.

Hindi na nagpahatid ang babae sa loob. Kumaway na lang siya sa papalayong kotse ni Jason. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply