KAPRITSO NG LAMAN (Ika-16 na labas)

NAGTATRABAHO si Sally, ang laman ng kanyang isipan ay ang pagdating ng kaarawan ng binata.

Nasasabik siyang makarating sa sinasabi ng una na nangunguna sa pinakamagandang resort sa bansang Taiwan.

Araw ng Linggo ang birthday ni Jason kaya Sabado ng hapon ay bibiyahe na sila ng binata patungo rito.

Dito nila gugugulin ang buong magdamag at maghapon ng Linggo kinabukasan dahil may pasok na sila sa araw ng Lunes.

Napakaikling bakasyon pero sa loob ng panahong iyon ay marami ang puwedeng mangyari.

Kung anoman iyon, kinakabahan at very excited ang babae.

Araw ng Sabado, maagang dinaanan si Sally ng lalaki kaya napilitan siyang mag-undertime. Mabait naman ang may-ari na si Mrs. Lee kaya pinayagan ang babae.

Hindi na sila uuwi ng bahay. Nang pumasok sila kaninang umaga, naka-ready na ang kanilang mga dadalhin kaya diretso na ang biyahe nila patungo sa Kenting resort.

May kalayuan din ang lugar.

Inabot din ng ilang oras ang kanilang biyahe pero sulit naman pagdating nila sa nasabing lugar.

The place speaks louder than words, sabi nga.

Maganda talaga. Ideal para sa mga love birds.

Kumuha ng kuwarto si Jason na may dalawang kama.

Hindi na sila lumabas ng kuwarto.

Nagpa-deliver ng pagkain dito ang binata at sa mismong kuwarto nila sila nag-dinner.

Gusto ng una na magpahinga muna bago sila mag-swimming.

Kahit pa sabihing magkahiwalay ang kanilang higaan, iisang kuwarto pa rin ang kanilang kinaroroonan.

Pero may tiwala siya kay Jason. Perfect gentleman ang pagkakilala niya sa binata.

Natulog muna sila para saglit na magpahinga.

May ilang oras din silang natulog sa magkahiwalay na kama.

Ala-una na ng umaga nang magising ang binata.

Ginising niya si Sally.

Gulat ang unang reaction nang makita ang ayos ni Jason. Half naked at ang tingin niya ay naka-brief lamang pero ang totoo ay naka-swimming trunks.

Akala niya ay may binabalak na masama sa kanya ang lalaki. Natawa si Jason.

“Birthday ko na ngayon. Baka gusto mo nang mag-swimming?” nakangiting sabi ng
lalaki.

Saka pa lang nakabawi sa pagkabigla si Sally.

“Oo nga pala. Happy birthday,” nakangiting bati niya kay Jason.

“Bati lang? Walang kiss?” biro ng binata.

Pinagbigyan ni Sally ang una. Nag-kiss siya sa pisngi nito.

Tuwang-tuwa ang kumag. Matapos ito, saglit na pumasok si Sally sa CR at dito nagpalit ng swimsuit.

Two piece ang kanyang isinuot. Gusto niyang palakihin ang mga mata ng binata oras na mamalas ang taglay niyang alindog.

Pero nagsuot siya ng robe paglabas.

Alangan namang i-display niya sa mga tao sa otel ang kanyang kagandahan.

Nagsuot naman ng polo ang binata para hindi maging pansinin ang pamumukol ng kanyang harapan.

Magkahawak kamay na nagtungo na sila sa beach.

Marami pa rin ang nagna-night swimming.

Hindi nakaligtas sa kanilang mga mata ang mga pareha sa parteng madilim na nag-la-loving-loving.

Nakangiting nagkatinginan ang dalawa.

Bago lumusong sa tubig, hinubad ni Sally ang suot na robe.

Nanlaki ang mga mata ni Jason sa paghanga nang matambad sa kaniyang paningin ang pamatay na hubog ng katawan ni Sally. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply