KAPRITSO NG LAMAN (Ika-20 na labas)

SOBRANG init ni Jason.

Lalo siyang nasabik sa unang tikim kaya gustong ulit-ulitin ang pagtatampisaw sa kandungan ni Sally.

Nagpaubaya na lang ang babae kaysa lagi siyang kulitin ng lalaki.

Magsasawa rin ito…

Kaya lang, tiyak na bago magsawa ang binata, manghahapdi muna ang kanyang hiyas sa kakikiskis ng maskulado nitong alaga habang naglalabas-masok sa loob ng kanyang lungga.

Nagpikit na lang ng mga mata si Sally at hinayaang bumayo nang bumayo si Jason.

Parang dinaya siya ng binata …

Naramdaman kasi niyang may mainit na bagay na bumomba sa kanyang sinapupunan pero tuloy pa rin ang paghataw.

Pinalalabas na hindi pa siya nilalabasan para maisingit ang third round.

Nagtagal tuloy si Jason sa loob ng kanyang lungga.

Parang ayaw nang lumabas …

Kaso’y gaano man siya katakaw sa laman, tao pa rin siya. Kapag nasobrahan na, sumusuko rin ang katawang lupa.

Lowbat na si Jason nang magpatihulog sa tabi ni Sally.

Parang nagulay naman ang pakiramdam ng babae.

Malaking tao kasi si Jason at ang bigat.

Bukod dito ang size ng kanyang alaga na extra ordinary.

Kaya parang nalamog ang kanyang katawan matapos ang mainit na romansa ng binata.

Parehong pagod, madali silang nakatulog.

Tanghali na nang sila ay magising.

Parehong tinatamad bumangon.

Dinampot ni Jason ang telepono sa kalapit at nagpadeliber na lang ng kanilang almusal sa kanilang kuwarto.

Makalipas ang may kalahating oras, may kumatok sa labas ng saradong kuwarto.

Tiyak na ang delivery boy na ito.

Bumangon ang lalaki at binuksan ang pintuan.

Ang nakangiting delivery boy na nga.

Nagtalukbong ng kumot hanggang leeg si Sally para hindi mabosohan ng tauhan ng otel habang tulak ang rolling tray ng inorder na almusal papasok sa kanilang kuwarto.

Matapos nitong ihain ang food sa mesa ay karaka na rin itong umalis.

Nilapitan naman ni Jason si Sally at biglang binuhat patungo sa table ng pagkain.

“Ano ba? Ginagawa mo naman akong bata. Ibaba mo ako!” sabi ng babae.

“Ganyan talaga akong magmahal. Binibeybi ko ang mahal ko,” natatawang sagot naman ng lalaki.

Ilang saglit pa at nag-aalmusal na sila.

Damang-dama ni Sally ang pagmamahal sa kanya ni Jason. Sinusubuan pa siya ng
pagkain.

Lugod na lugod naman ang babae.

Hindi niya naranasan ang ganitong concern sa asawang si Jude.

“Maligo ulit tayo sa dagat pagkatapos nating kumain,” sabi ng binata kay Sally.

“Mabigat ang katawan ko. Sa banyo na lang ako maliligo tapos ay muli akong matutulog. Masyado mo akong pinagod kagabi,” sagot ng babae.

“Di hindi na rin ako maliligo sa dagat. Sasamahan na lang kita rito sa kuwarto,” nakangiting sabi ni Jason.

Umingos ang babae.

Alam na niya ang mangyayari kapag nagkadikit na naman ang kanilang katawan ng
lalaki.

Tiyak na maglilikot na naman ang mga kamay nito sa kanyang katawan.

“Sabay ulit tayong maligo,” nakangiting sabi ni Jason.

“Ayoko nga! Mawawalan ako ng privacy. Tiyak na yayariin mo lang ako ulit kapag nagkasama tayo sa banyo,” irap ng babae.

Tumawa ang binata.

“Pabayaan mo na ako. Sabik pa kasi ako kaya ganito ako kainit sa iyo,” maya-maya’y sabi ng lalaki.

Hindi na kumibo si Sally.

Natapos silang mag-almusal …

Nagkuwentuhan muna sila habang nagpapahinga.

Maya-maya’y tumayo na ang babae para pumasok sa banyo at maligo.

Naiwang nakangiti ang binata …

Naglalaro na naman ang kapilyuhan sa kanyang isipan habang hinihintay na matapos maligo si Sally. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply