KAPRITSO NG LAMAN (Ika-6 na labas)

PINAY din ang saleslady na nakausap ni Sally kaya madali silang nagkaintindihan.

Karaka siya nitong sinamahan sa opisina nito.

Babae ang manager na nagngangalang Mrs. Lee at mukhang mabait.

“So, you’re the new applicant from the Philippines?” nakangiti nitong tanong.

“Yes, Mam. I am Sally Madrinejo!” masayang sagot naman ng babae.

Biglang napatayo si Mrs. Lee at karakang kinamayan ang una.

“Yes, you are! I have been expecting you!” masayang sabi ng babae saka kinamayan si Sally.

Nang araw ding iyon, pinagsimula na si Sally sa kan-yang trabaho at pumayag naman ang babae.

Iniwan na siya ni Tina.

“Magkita na lang tayo sa condo mamaya!” sabi ng kaibigan.

“Baka maligaw ako sa pag-uwi!” nakahawak sa batok na sabi ni Sally.

“Huwag kang aalis dito. Dadaanan kita paglabas ko ng opisina mamaya,” sagot naman ni Tina at umalis na.

Wala namang naging problema sa trabaho si Sally.

May dalawa kasing Pinay na nagwo-work din doon kaya meron siyang kasangga.

The rest, kung saan-saang Asian country na sila nanggaling pero mukha namang mababait din.

Hindi inaasahan ni Sally ang magiging unang kostumer niya ng araw na iyon.

Ang machong guy na na-bangga niya habang papasok sa shopping mall.

Nakangiting lumapit ito sa kanya.

“Puwede bang ikaw ang mag-assist sa pagpili ng sing-sing na gusto kong bilihin?” aniya.

“Pambabae ba o panglalaki, Sir?” nakangiting tanong ni Sally.

“Ano ka ba? Huwag mo nga akong sini-sir. Binangga mo ako kanina tapos ay nagsi-sir ka sa akin ngayon!” natatawang sagot ng guy.

Naglabas ng ilang kahita ng singsing si Sally para mapagpilian ng lalaki.

Hindi sa mga singsing nakatingin ang lalaki kundi sa magandang mukha ng babae.

“Dalaga ka pa ba o may asawa na?” tanong ng kostumer.

“Ano ba sa tingin mo?” sagot naman ni Sally.

Hindi muna nagsalita ang lalaki. Saglit na hinagod ng tingin ang saleslady.

“Dalagang-dalaga. Amoy virgin ka pa!” maya-maya’y sabi ng lalaki.

“Loko!” nakairap na sagot ni Sally. “Hayan, pumili ka na ng singsing na bibilihin mo!”

Pumili ang lalaki …

“Ang ganda ng ring na iyan! Pero mahal. Five thou-sand dollars. Ang suwerte naman ng girlfriend na pagbibigyan mo niyan.

Hindi sinagot ng lalaki ang kanyang sinabi.

“Pakisukat naman sa daliri mo, miss. Kapag kasya iyan sa iyo, magkakasya rin sa pagbibigyan ko!” sabi ng guy.

“Dapat ay sa girlfriend mo muna iyan isukat. Hindi ma-gandang ako ang maunang magsukat,” sagot ni Sally.

“Kapag hindi mo isinukat iyan, hindi ako bibili!” nakatawang banta ng lalaki.

Napilitang isukat ng saleslady ang singsing.

Kasyang-kasya.

Gandang-ganda si Sally.

Parang ayaw na niyang hubarin ang singsing.

Makaraang sipat-sipatin ang singsing ay hinubad na ito ng saleslady.

Mabilis namang dinukot ng lalaki ang kanyang wallet at dumukot ng pambayad.

Nalaman ni Sally ang pangalan ng guy nang pumirma ito sa resibo.

Jason Cardona ang kanyang pangalan.

“Thank you. Mr. Cardona. Ikaw ang buwena mano ko sa araw na ito,” nakangiting sabi ni Sally habang hatid ang lalaki palabas ng jewelry store.

“Alam mo ba binili ko ang singsing na ito pero wala pa akong tiyak na pagbibigyan?” nakangising sabi ng binata sa dalaga.

“Pero bakit ka bumili?” takang tanong ni Sally.

“Wala lang. Mabuti na iyong may nakahanda akong pambigay oras na magkaroon ako ng nobya rito sa Taipei,” nakangiting sagot naman ng lalaki.

Natatawang napailing-iling si Sally.

“Puwede ba kitang maging kaibigan?” maya-maya’y seryosong tanong ni Jason.

“Why not?” sagot naman ng babae.

“Di puwede kitang ayaing mamasyal at kumain sa labas kapag day off mo?”

“Depende!” sagot naman ni Sally.

“Ano’ng depende?”

“Kapag hindi ako busy, puwede. Pero kapag hindi, next time na lang,” sagot ni Sally.

“Okey lang! Handa akong maghintay!” sabi ni Jason at masayang umalis na.  Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply