KAPRITSO NG LAMAN (Ika-apat na labas)

HINDI maaaring magkamali si Sally.

Brief ng lalaki ang kanyang nakita na nakasabit sa sampayan sa loob ng banyo ng kaibigang si Tina.

Makapal ang garter nito.

Hanes ang tatak.

Napapailing na idinaos ni Sally ang tawag ng pangangailangan saka lumabas ng banyo.

Nakita niya ang kaibigan na gumagawa ng juice.

Iniabot nito sa kanya ang isang baso.

“Magpalamig ka muna at magluluto pa ako ng food natin,” sabi ni Tina.

Tumikim si Sally nang konti …

“May kasama ka ba na nakatira rito?” maya-maya’y tanong niya sa kaibigan.

“W-Wala! Ikaw ang makakasama ko rito!” sagot naman ni Tina.

“Kung gayun, kanino ang brief ng lalaki na nakita ko sa banyo?” nakangiting tanong ni Sally.

“Iyon ba? ‘Di sa boyfriend ko. Once a week, nagpupunta rito ang gagong iyon para maglinis tubo. Pinoy din ang gagong iyon at tulad ko ring may asawa sa Pinas.

Pero dito sa Taiwan, kami ang mag-asawa,” sagot ni Tina saka malakas na tumawa.

Malalim na napahugot ng buntong hininga si Sally.

“Kapag kumikita na ako, dapat pala na maghanap ako ng ibang tirahan. Makakaistorbo ako sa inyo rito,” aniya.

“Hindi naman palagi rito si Brix. Minsan-minsan lang siya kung pumunta rito,” sabi ni Tina.

“Kahit na!” giit ni Sally.

Hindi na kumibo si Tina.

Magkatulong silang naghanda ng kanilang dinner.

Nang makaluto, sabay silang naghapunan.

“Bigyan mo nga ako ng background tungkol sa jewelry store na papasukan ko na sa Taipei 101. Nakarating ka ba roon, Tina?” tanong ni Sally habang kumakain.

“Minsan lang. Pero ang ganda at ang laki. Kadalasang nagpupunta roon ay mga turistang dayuhan na pawang mapepera. Doon magandang mang-hunting ng sugar daddy,” nakatawang sagot ng kaibigan.

“Nagpunta ako rito para magtrabaho!” pormal na sagot ni Sally.

“Tulad mo rin ako noong bagong dating dito. Pa-Maria Clara effect. Pero nang katihin na, no choice na ako kundi magpakamot sa ibang lalaki,” sabi ni Tina.

“Mabuti at hindi nakararating sa asawa mo ang mga pinaggagawa mo rito.”

“Bakit naman niya malalaman? At kung malaman naman niya, ang dali lang tumanggi at ako pa ang manunumbat. Siya ang lalaki pero ako ang nagtitiis na magtrabaho sa ganito kalayong lugar para lamang kami magkaroon ng magandang kinabukasan,” sagot ni Tina.

Hindi na nagtanong pa si Sally.

Bawat salita kasi na lumalabas sa bibig ng kaibigan, parang binibigyan siya ng ideya kung ano ang gagawin.

Nang matapos silang kumain, ang una na ang nagprisintang magligpit ng kanilang pinagkainan.

Matapos magligpit ng pinagkainan, naligo muna si Sally.

Hindi kasi siya sanay matulog ng hindi naliligo.

Nakahiga na sa kama si Tina pero gising.

Nanonood ng DVD movie.

Triple X.

Kasalukuyang nasa kainitan ang palabas …

Nagtsutsuktsakan na ang magkapareha.

“Ano ka ba? Kababae mong tao, ganyan ang paborito mong panoorin,” inis na sabi ni Sally.

“Kumukuha lang ako ng mga style,” nakangisngis na sagot ni Tina. “Maarte kasi ang bf ko. Kapag nagtatalik kami, kung ano-ano’ng posisyon ang gusto niya na gawin namin.”

Hindi na umimik si Sally…

Sumampa na sa kama at nahiga sa tabi ni Tina.

Nakatalikod sa pinapanood nitong triple X movie.

Pero kahit hindi niya nakikita ang palabas, malinaw ang nabubuo sa kanyang isipan dahil sa malalakas na ungol at daing ng magkapareha na buong init na nagtatalik.

“Puwede bang hina-hinaan mo iyan? Hindi ako makatulog, e!” request ni Sally.

“Hmp! Ang arte mo naman! Kapag nagsi-seks ba kayo ng mister mo, tahimik lang kayo? ‘Yun bang kahit nasa kainitan na kayo ng pagtatalik, nakabibingi pa rin ang inyong katahimikan?” tanong ni Tina.

“Gaga!” inis na sabi ni Sally.

Ang lakas ng tawa ng kaibigan. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply