KAPRITSO NG LAMAN (Ika-limang labas)

HINDI rin lang makatulog, naisipan ni Sally na makipanood sa triple x movie na pinapanood ni Tina.

Panay ang pagyayabang ng huli.

“Lahat yata ng posisyon na iyan, nagawa na namin ni Brix,” sabi niya.

Tahimik lang si Sally …

Nag-oobserve …

Lihim na hindi makapaniwala sa napapanood.

Mainit din sa kama ang asawang si June pero hindi mahilig sumubok ng ibang position.

Hanggang missionary lang ang nagawa nitong ipatikim sa kanya at solb na naman siya.

Akalain ba niyang napakarami palang puwedeng gawin na makapagpapaligaya sa kanila.

Naramdaman ni Sally na nag-iinit na ang kanyang pakiramdam pero hindi niya ipinahalata kay Tina.

Nakakahiya dahil kararating lang niya tapos ay maghahanap na kaagad siya.

Nang matapos ang triple x movie, natulog na sila.

Kinabukasan, maaga silang gumising at magkatulong na naghanda ng almusal.

Maaga kasi silang pupunta sa lugar na pagtatrabahuhan ni Sally na isang jewelry store sa Taipei 101 sa isang malaking shopping mall.

Nang matapos silang kumain, naligo na sila at nagbihis.

Ang ganda-ganda ni Sally sa suot niyang damit.

At palibhasa’y wala pang anak, dalagang-dalaga ang dating.

Hindi tuloy naiwasang magbiro ni Tina.

“Tiyak na pagkakaguluhan ka rito ng mga manliligaw. Pero kung makikipagrelasyon ka, huwag basta sex lang ang hahabulin mo. Kailangang may pera para enjoy ka, may datung pa!” payo ng kaibigan.

Umingos si Sally.

“Hindi ako magpapaligaw. Faithful ako sa asawa ko,” sabi niya.

“Sabi mo lang iyan. Kapag kinati ang flower mo, tiyak na ipakakamot mo sa iba,” sagot naman ni Tina.

Natigil lang ang kanilang biruan nang paalis na sila.

Siniguro ng una na naka-lock ang mga bintana at pintuan bago umalis.

Nagtaksi na lang sila patungo sa lugar na kanilang pupuntahan.

Malaking mall ito pero hindi naman lalaki sa mall of Asia.

Marami rin namang mall sa Pinas pero malaki ang suweldo sa ibang bansa kaya sa Taiwan niya naisipang mamasukan.

Ilang saglit pa at papasok na sila sa mall na iyon.

Palinga-linga ang dalawa.

Hinahanap niya ang puwesto ng Taipei 101.

Inaya ni Tina si Sally sa kinaroroonanng digital map at dito nila hinahanap kung saang floor at lugar naroon ang puwesto na kanilang hinahanap.

Nasa 3rd floor.

Hangos na sumakay sila ng escalator.

Dahil sa kalilinga, napabangga sa kasalubong si Sally.

Sumabog ang mga dala nito.

Tarantang pinulot ito ng magkaibigan habang panay ang hingi ng sorry ni Sally.

Titig na titig sa kanila ang lalaki.

Isang pogi at machong guy.

“M-Mga Pinay ba kayo?” tanong niya.

Sabay na napatingin sina Sally at Tina sa lalaki.

“Pinoy ka?” tanong ni Tina.

“Magkakaintindihan ba tayo kung hindi ako Pinoy?” tumatawang sagot nito.

“Ano’ng name ninyo?” tanong ng lalaki.

“Ako si Tina at ang maganda ko namang kasama ay si Sally. Magkita na lang tayo next time. Sasamahan ko kasi ang kaibigan ko sa kanyang employer,” sagot nito at hinila na ang kaibigan para umalis.

“Saan magtatrabaho ang kasama mo?” habol ng lalaki.

“Sa Taipei 101!”

“Mukhang may tama sa iyo ang mokong na iyon. Itinatanong kasi kung saan ka magtarabaho,” sabi ni Tina.

Nagkibit balikat si Sally.

“Huli na siya,” sabi ng babae. “Ang importante sa akin ngayon ay makapagtrabaho para makaipon.”

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makita nila ang puwesto ng Taipeil 101.

Isa itong class at malaking jewelry store.

Sabay na pumasok ang dalawa.

Itinanong sa isang saleslady kung narito ang kanilang manager. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply