KAPRITSO NG LAMAN (Ika-pitong Labas)

HINDI naiwasan ni Sally ang mapangiti nang lumayo na si Jason. Masama ang kutob niya na may tama sa kanya ang lalaki at may maganda itong ibubunga.

Sabi kasi ng una, bumili siya ng mahal na singsing pero wala pang tiyak na pagbibigyan.

Naghahanap pa kuno siya pero nakakita na. Malakas ang kutob ng kanyang loob na siya ang pinahahagingan ni Jason.

Umingos si Sally. Hindi siya makukuha ng lalaki sa pamamagitan ng singsing lamang.

Ano siya, cheap?

But in fairness, guwapo si mokong.

Sa lugar na ito na malayo siya sa asawang si Jude, puwedeng pagpalipasan niya ng panahon si Jason.

Ito’y kung magagawa niyang gayahin ang kaibigang si Tina.

Buong maghapon na nagtrabaho si Sally na punong-puno ng sigla pero hindi niya maintindihan kung bakit.

Basta’t inspirado siyang mag-work ng araw na iyon.

Nang daanan siya ni Tina para sunduin, napuna ng kaibigan ang kakaiba niyang sigla.

“Unang araw mo pa lamang sa trabaho pero parang sumahod na ang tingin ko sa iyo.

Anything wrong… right pala?” tanong ng kaibigan ha-bang naglalakad sila palabas ng shopping mall.

Hindi naiwasang magkuwento ni Sally.

“Natatandaan mo ba ‘yun guy na nakabangga ko kaninang umaga pagpasok natin dito sa mall?” tanong ng babae.

“Yung guwapo at macho na kababayan natin? Oo naman!” sagot ni Tina.

“Pumunta siya sa jewelry store at bumili ng singsing worth $5,000.00. Pero wala raw siyang pagbibigyan dahil naghahanap pa siya. Matapos ito, nagpakilala na siya nang husto at tinanong kung married na ako at nagyaya na mag-date kaming dalawa,” kilig na patuloy ni Sally.

“Naku! Sa iyo pala siya may tama! Kala ko pa naman, sa akin,” natatawang sabi ni Tina. “Samantalahin mo na. Two years ang kontrata mo rito. Kaya mo bang tagalan ang haba ng panahong iyon nang walang sex?” kilig na sabi ng una.

Tiningnan ng masama ni Sally ang kaibigan.

“Huwag kang maarte. Gayahin mo ako. Dito ka lang naman sa Taipei magloloko. Pero pagbalik mo ng Pilipinas, good girl ka na ulit. Malay mo ba na ang mister mong si June, may ibang pinagpapalipasan ng libog habang wala ka!” sabi pa ni Tina.

Bago nakasagot si Sally, may magarang kotse na biglang huminto sa kanilang tapat.

Nang bumukas ang bintana nito, nakita nila na ang nakangiting si Jason ang nakasakay dito.

“Halina kayo! Ihahatid ko na kayo kung saan kayo pupunta!” alok ng binata.

Hindi tuminag sa pagkakatayo si Sally.

Hindi siya makapaniwala na susunduin siya ng lalaki paglabas sa trabaho. Nang bigla siyang sikuhin sa tagiliran ni Tina saka pabulong na kinausap.

“Sakay na tayo. Tiyak na libre dinner at ihahatid tayo sa inuuwian ng mokong na iyan,” sabi ni Tina.

Napilitang sumakay ni Sally sa kotse.

Sa backseat sana siya sasakay pero itinulak siya ng kaibigan sa unahan.

“Ako na lang dito sa huli. Kawawa naman si Jason kung mag-isa lang siya sa unahan.

Magmumukha siyang taxi driver,” sabi ni Tina.

Ilang saglit pa at nagbibiyahe na sila.

“Bago ko kayo ihatid sa inuuwian ninyo, dinner muna tayo. Para kasing nagugutom na ako,” nakangiting alok ni Jason.

“Mabuti ikaw, nagugutom lang. Kami, gutom na gutom na!” pabirong sabad ni Tina sa  likurang upuan.

“Ano ka ba, Tina? Nakakahiya kay Jason,” inis na lingon ni Sally sa kaibigan.

“Don’t worry. Alam ko naman na nagbibiro lang ang friend mo,” natatawang sabi naman ng lalaki.

Banat uli si Tina.

“Matanong nga kita, Jason. Ikaw ba naman ay binata pa?” tanong ng babae.

“Certified! Gusto mong makita ang driver’s license ko or any kind of IDs?” sagot naman ng lalaki.

“Maski hindi na! Nagsisiguro lang ako na hindi malulugi sa iyo si Sally.

Dalagang-dalaga pa kasi ang kaibigan ko,” hataw ulit ng lekat.

Inis na inis ang babae sa kaibigan. Para kasing ibinubugaw siya ni Tina kay Jason.

“Halata ko naman na dalaga pa siya. Kaya naman espesyal ang trato ko sa kanya,” masayang sagot ng binata.

Biglang nakaramdam ng sumbat ng konsensiya si Sally. Hindi na siya dalaga dahil married na siya kay Jude.  ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply