KAPRITSO NG LAMAN (Ika-siyam na labas)

HINDI nagkakamali ng palagay si Sally. Sa mga sandaling iyon, gutom na nilalapang ni Brix ang pinakaiingatang ka-yamanan ni Tina.

Malupit ang sensasyong dulot nito sa kaibigan kaya hindi niya maiwasang mapasigaw.

Lalo na nang sumalisod ang dila sa loob ng pintuan ng langit at masapol ang kanyang clitoris.

Nagkandaliyad ang babae habang panay ang tili.

Sa kabilang kuwarto, hindi naiwasang mainggit ni Sally.

Tao rin lang siya na tulad ni Tina at may pangangailangang tulad nang sa kaibigan.

Hindi niya namalayan na nakasapo na pala ang isa niyang kamay sa pagitan ng kanyang mga hita.

Pakala-kalabit at pasundot-sundot sa maikling kanal na nakabakat sa labas ng panty.

Hanggang sa bigla niyang ipasok ito sa loob ng mismong panty at personal na damahin ang maumbok na pagkababae.

Nang mapaso, bigla rin niya itong inalis.

Inis siya sa sarili.

Ayaw niyang magsariling sikap.

Alangan sa taglay niyang ganda. Ano siya, cheap?

Para mawala ang init ng katawan, naisipan niyang pumasok sa banyo.

Nagbabad siya sa malamig na tubig.

Hindi siya lumabas hangga’t hindi nilalamig.

Nang mawala ang pagnanasa na nabuhay sa kanyang katawan, saka pa lang siya lumabas ng banyo.

Nagbihis, nagpatuyo ng buhok at saka ipinagpatuloy ang pagtulog.

Maaga siyang nagising kinabukasan.

Alam niyang napuyat at napagod ang kaibigan kaya siya na ang naghanda ng almusal.

Eksaktong tapos na siyang magluto nang pumasok sa kusina si Tina.

Mistulang bruha na gulo ang buhok …

Parang tsonggong puyat.

Pabagsak na naupo si Tina sa harap ng mesa.

Pailing-iling na nagsimulang maghain si Sally.

“Tawagin mo na ang dyowa mo at kakain na tayo,” sabi niya sa kaibigan.

“Nakaalis na!” tinatamad namang tugon ni Tina.

“N-Nakaalis na?” gulat na sambit ni Sally.

“Malayo ang pinapasukan ng gagong iyon kaya kailangang umalis siya nang maaga para hindi ma-late. Dumaan lang dito ang gagong iyon para magpalipas ng init ng katawan,” sagot ng kaibigan.

“So, hanggang sex lang pala talaga ang relasyon ninyong dalawa?” sabi ni Sally.

“Natural! Hanggang dito lang sa Taiwan ang relasyon naming dalawa dahil pareho kaming may asawa. Pag-uwi namin sa Pinas, dedma na kami sa isa’t isa,” sagot ni Tina.

Napailing si Sally.

“Siya, kumain ka na at baka ma-late tayo sa pagpasok,” sabi ng una.

“Hindi ako papasok,” pamaktol na tugon ni Tina. “Masakit ang ulo ko lalo na ang ‘ano’ ko. Nabugbog kay Brix. Halos magdamag akong binayo nang binayo ng gagong iyon.”

“Pero nag-enjoy ka naman?”

“Sobra!” sagot ng babae saka buong tamis na ngumiti.

Hindi umimik si Sally.

Naglagay ng food sa kanyang plate at nagsimulang kumain.

Nang biglang may mag-doorbell sa labas …

“S-Sino iyon? May inaasahan ka ba na maagang bisita?” nakamaang na tanong ni Sally kay Tina.

“Ako, wala! Pero ikaw, meron!”

“S-Sino?”

“Sino pa? ‘Di ang bago mong admirer na si Jason. Hindi ba’t may pangako siya na sundo at hatid ka niya sa iyong pinapasukan?”

Biglang napatayo sa pagkakaupo ang babae.

Hangos na tinungo ang pintuan sa salas at binuksan.

Tama si Tina.

Si Jason nga ang dumating.

“Naku! Hindi pa ako nakakagayak. Nag-aalmusal pa lang kami ni Tina,” sabi ni Sally.

“Don’t worry. Maaga pa naman. Nagsiguro lang ako na maaabutan kita rito kaya maaga kitang pinuntahan,” sagot naman ni Jason.

“Halika! Samahan mo kaming mag-almusal ni Tina,” sabi ng babae saka hinawakan sa isang kamay ang lalaki at isinama patungo sa kusina.  ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply