KAPRITSO NG LAMAN (Ika-walong labas)

NANLIIT ang pakiramdam ni Sally nang sabihin ni Jason na dalaga pa siya. Nagkakamali siya ng akala. Married na siya kaya hindi na virgin.

Tigas na hagikhik naman ni Tina sa kabaliwan ng binata.

Pangiti-ngiti lang ang una.

Hindi naman nagtagal at dumating na ang inorder nilang food.

Sobrang gentleman ni Jason.

Halata na talagang may tama siya kay Sally. Asikasong-asikaso niya ang babae.

Halos siya na ang naglagay ng food sa plate ng una.

“Thanks! Pero huwag mo akong intindihin. Kaya kong pangalagaan ang aking sarili,” sabi ni Sally.

Pangiti-ngiti lang si Tina.

Nararamdaman niya na may magandang pagtitinginan na mabubuo sa pagitan ng dalawa.

Hindi magagawang tanggihan ng kaibigan si Jason.

Pagsumpong ng kanyang kalungkutan at matinding pangangailangan bilang babae, tiyak na bubukaka siya sa lalaki.

Nang matapos silang kumain, saglit lang silang nagpahinga at inihatid na ni Jason ang dalawang babae.

“Tutal ay dumaraan ako sa mall sa pagpasok at pag-uwi sa tinuluyan ko, daraanan na lang kita araw-araw para makalibre ka sa pamasahe at may kasabay ako sa biyahe,” nakangiting sabi ni Jason kay Sally.

“Nakakahiya naman yata iyon sa iyo,” pakipot ng babae.

“Kung ganyang may susundo at maghahatid na sa kaibigan ko, hindi ko na kailangan pang dumaan sa mall tuwing hapon,” biglang sabad ni Tina sa usapan ng dalawa.

“Huwag ka nang mag-alala sa kaibigan mo. Ako na ang bahala sa kanya,” nakangiting sagot naman ng binata.

Hanggang sa makarating sila sa condo na kanilang tinutuluyan.

Hindi na sumama si Jason sa kanila sa itaas pero mahigpit ang pangako ng binata kay Sally.

Daraanan siya nito sa pagpasok niya ng opisina bukas at susunduin naman pagdating ng hapon.

At araw-araw niya umano itong gagawin bilang panunuyo sa babae.

Kilig na kilig si Tina habang nakasakay sa elevator patungo sa floor na kinaroroonan ng unit ng una.

“Not a bad catch. Bata, guwapo, macho at may magandang trabaho ang makaka-partner mo rito. Kung sakali, may magpapasaya na sa iyo rito sa Taipei, Sally,” sabi niya kay Sally.

Hindi nagsalita ang kaibigan. Alipin siya ng matinding kaba.

Natatakot siyang magkasala kay Jude pero hindi yata niya maiiwasan.

Nagulat sila nang makapa-sok na sa unit ni Sally.

May tao sa loob.

Nakaupo sa salas at pa-inom-inom ng brandy habang nanonood ng tv.

Hindi kilala ni Sally ang lalaki pero sigurado siya na ito ang may-ari ng brief na nakasampay sa loob ng CR ni Tina.

“Kanina ka pa ba rito, Brix?” kilig namang tanong ng kaibigan.

“Medyo! Pero okey lang,” nakangiting sagot ng lalaki pero kay Sally nakatingin.

Karaka namang ipinakilala ni Tina ang kaibigan.

“Siya iyong naikuwento ko sa iyo na kaibigan ko sa ‘Pinas. Dito na rin siya nagwo-work at dito ko muna pinatira dahil bago pa lang dito sa Taipei,” aniya.

“No problem,” nakangiting sagot naman ni Brix. “Kumusta ka na, Sally?”

“Okey lang! For the meantime, nagpaampon muna ako kay Tina habang wala pang sariling tirahan,” sagot naman ng dalaga.

“Maganda nga iyon dahil may kasama siya rito,” sagot naman ni Brix.

Nang gabing iyon, napilitang sa kabilang kuwarto matulog si Sally.

Magkasama kasi sa silid sina Brix at Tina.

Hindi dalawin ng antok ang una. Masyado kasing iskandalosa ang kaibigan.

Ang ingay niya habang nagtatalik sila ng nobyo niya sa Taiwan.

Kahit ayaw niyang isipin, nagsusumiksik sa kanyang isipan ang kaganapan sa kabilang kuwarto.

Nakasubsob si Brix sa pagitan ng mga hita ng kaibigan.

Parang baboy na nakasubsob sa labangan ang lalaki.

Gutom na sinasabsab ang kanyang pagkain. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply