Karapatang pambata sa PHL, aayudahan ng UN

KARAHASAN laban sa mga bata ang magiging paksa ni United Nations Special Representative of the Secretary General on Violence against Children (UN SRSG) Marta Santos Pais sa kanyang pagtungo ngayon sa bansa sa imbitasyon ng Asean.

Habang nasa bansa si Pais ay magdadaos siya ng pakikipag-talakayan sa mga kabataang Pilipino, mga mambabatas,  mga lider ng pamahalaan, non-government organization at lider civil society upang malaman ang kani-kanilang mga kaisipan sa kaunlaran ng bansa ukol sa pag-aaral ng UN sa karahasan laban sa mga bata na inilabas noong 2006.

Dahil sa pagiging State Party sa UN Convention on the Rights of the Child, ang pag-aaral ng UN laban sa karahasan sa mga bata ay naglalaman ng mga rekomendasyon na magbibigay proteksyon sa karapatan ng mga batang Pilipino. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply