‘Kariton Klasrum’ aarangkada na sa Kalakhang Maynila

AARANGAKADA na rin ang “Kariton Klasrum” ni 2009 CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida sa Metro Manila.

Sa nasabing proyekto, makakatuwang ng grupo ni Peñaflorida na Dynamic Team Company ang Department of Education (DepEd).

Inilunsad ngayong araw ng DepEd ang “Kariton Klasrum Klinik at Kantin” o “K4 Outreach Program” na magsisimula na sa susunod na linggo.

Sinabi ni Education Secretary Bro. Armin Luistro, na tig-iisang kariton muna ang target nila sa bawat lungsod sa Kalakhang Maynila.

Pagtutuunan nila ng pansin ay ang mga batang lansangan na may edad mula limang taon hanggang 15 limang taong gulang.

Susunod din sa isang curriculum ang anim na buwang proyekto na kung saan kabilang sa mga ituturo ay ang values formation pati na ang “good grooming” para sa kalusugan.

Ituturo rin ang pagbabasa at pagsusulat, kasama na ang Mathematics at pangatlo naman ang pagkakaroon ng play center.

Kumikilos na rin ang DepEd at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maisama sa conditional cash transfer (CCT) Program ang pamilya ng mga batang lansangan na mapapabilang “Kariton Education Program” dahil marami sa mga ito ang naghahanapbuhay na para maitaguyod ang pang-araw araw na pamumuhay.

Umaasa si Luistro na makalilikom ng pondo ang naturang proyekto kahit na hindi ito naisama sa naaprubahang badyet ng kagawaran.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply