Kaso ng dengue sa CDO, Iligan binabantayan

BINABANTAYAN ngayon ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagtaas ng kaso ng dengue sa mga evacuation centers sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Ayon kay National Epidemiology Center head Dr. Eric Tayag, maaring tumaas ang kaso ng may sakit na dengue simula ngayong linggo.

Dahil dito, muling pinayuhan ng opisyal ang mga residente na nasa evacuation center na mag-ingat.

Muling pinaalala ni Tayag na ang mga dengue-carrying mosquitoes ay namumugad sa mga stagnant water kaya naman malaki ang posibilidad na may mga lamok na may dalang dengue sa mga binahang lugar sa dalawang lalawigan ng Northern Minadanao dahil sa pagtama ng bagyong “Sendong.”

Ayon pa s aopisyal, dapat aniyang panatilihing malinis ang kapaligiran ng mga residente at itapon ang mga bagay tulad ng bote ng softdrink , bamboo husks, gulong, at florera na posibleng pamugaran ng dengue-carrying mosquitoes. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply