Kaso ng diarrhea sa CDO tumataas

PINANGANGAMBAHAN ngayon ng Department of Health-Region 10 ang panibagong sakit na kumakalat ngayon sa Cagayan de Oro.

Bagama’t bumababa na ang bilang ng nagkakasakit sa leptospirosis ay bahagyang tumaas naman ngayon ang kaso ng nagpapagamot dahil sa sakit na diarrhea.

Sa patuloy na pagmomonitor ng DOH-10 may naitala nang 80 pasyente ng nagpapagamot  sa naturang sakit.

Ang matinding pagbaha dulot ng bagyong “Sendong” pa rin ang sinasabing dahilan  ng pagkakasakit kung saan maraming evacuees pa rin ang nagsisiksikan sa ilang evacuation centers  at dahil na rin sa kawalan ng malinis na sanitasyon at tubig na kanilang ginagamit.

PInayuhan naman ng DOH ang mga residente  lalo na sa evacuation centers na pakuluan ang tubig bago ito inumin para makaiwas sa naturang sakit.

Matatandaang ang bahagi ng siyudad ay nakaranas ng water shortage matapos nasira ang mga water wheel ng Cagayan de Oro Water District (COWD) noong nakaraang taon kasunod ng pagbaha. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply