Kaso ng HIV tumaas ng 90% noong 2011

LUMUBO sa halos 90% ang kaso ng HIV noong Nobyembre 2011 kumpara sa katulad na buwan noong 2010, ayon sa report ng Department of Health (DOH).

Base naman sa Philippine HIV and AIDS Registry, 212 new HIV cases ang naitala noong Nobyembre 2011 at 89% na mataas sa 112 na biktima ng naturang sakit sa kaparehong buwan noong 2010.

Nabatid sa DOH na karamihan sa mga panibagong kaso ay lalaki o 94%, kung saan 25 rito ay overseas Filipino worker (OFW), 21 ay lalaki at apat ang babae.

Ang edad naman ng mga biktima ay nasa 17 hanggang 73 ang mga bitkima.

Karamihan dito ay may edad na 20 hanggang 29 o 58%; 124 o 58% ay nasa Metro Manila.

Ang 85% rito ay mga bagong biktima na nahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki.

Sa 212, tatlo ang nagpositibo sa AIDS, isang babae at dalawang lalaki na kapwa may edad na 27.

Ayon sa report, nito lamang Nobyembre 2011 ay isang babae naman ang namatay dahil sa sakit na AIDS.

Sa kabuuang 2,081 HIV-positive cases noong 2011, 75 ay kinumpirmang may AIDS, na 87% ay kalalakihan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply