Kaso vs Justice Del Castillo, tatalakayin sa Kamara

ITINAKDA na ngayong linggo ng House justice committee ang pagtalakay sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Justice Mariano del Castillo.

Kaninang alas-9:00 ng umaga sinimulan ang pagdinig sa kaso sa pangunguna ni House justice committe chairman Iloilo Rep. Neil Tupas Jr.

Ayon kay Tupas, mayroon silang limang session days na nalalabi para desisyunan ang kaso ni Justice Del Castillo.

Kung maalala, inakusahan ng plagiarism si Justice Del Castillo matapos kopyahin sa Estados Unidos ang kaniyang desisyon para ibasura ang kaso ng Pinoy comfort women noong World War II. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply