Katapusan na ng career ni John Lapus ang kanyang launching movie sa Viva

WALANG masama kung mag-ilusyon man si Boss Vic del Rosario na makalikha siya ng another Vice Ganda sa katauhan ni John Lapus na matagal na rin namang nananatili sa showbiz, pero hindi eh. Kung si Vice ay may magic sa takilya, itong si John 50-50 pa ang chances kung kakagatin ng moviegoers sa ipinagkatiwala sa kanyang launching vehicle titled “Moron 5 and the Crying Lady” na ang director ay si Wenn Deramas. Huwag naman sana, pero baka rito masira ang record ni Direk Wenn sa pagiging box office director. Unang-una, nega ang dating ni John sa publiko.

Maliban sa kilala siyang palaaway, very corny at trying hard ang atake niya sa comedy at kulang na kulang siya sa talent. So, hindi puwedeng pagdudahan na sisemplang sa takilya ang launching movie ng Badikla na ito. Honestly, kahit tambakan pa siya ng malalaking artista sa movie niyang ito ay negatibo pa rin ang vibes namin sa project kung saan kung anu-anong role o character ang gagampanan ng bading na komed yana.

Baka nga ito pa ang maging katapusan ng kanyang career.

Wanna bet gyud?

***

Walang Hanggan angat agad sa ratings!

NAG-PILOT episode na last Monday ang isa sa pinakamalaking proyekto ng ABS-CBN na teleseryeng “Walang Hanggan” at tulad ng Ikaw Ay Pag-ibig, Budoy, My Binondo Girl at Nasaan Ka, Elisa?, naghari na kaagad ito sa rating sa kanyang timeslot. Panalung-panalo ito sa national ratings kaya’t insecure na naman ang katapat nilang teleserye. Kasi naman, lahat ng mga aristang nagsisiganap rito sa pangunguna nina Susan Roces, Helen Gamboa, Eddie Guttierez, ang eternal loveteam na sina Richard Gomez at Dawn Zalueta at ang mahusay na actor sa kanyang henerasyon na si Coco Martin at sinasabing another Bea Alonzo in the making na si Julia Montes plus Rita Avila, Melissa Ricks, Joem Bascon at ang tinitiliang heartrob na si Paulo Avelino ay nagampanan nang buong husay ang character ng bawat isa. Ito ay base sa trailer ng nasabing teleserye na ubod din sa ganda ng istorya at de-kalidad ang pagkakagawa.

Tiyak, na walang bibitiw gabi-gabi sa panonood dito lalo na sa mga taong ang hangad ay walang hanggang pag-ibig. Bawat tagpo sa Walang Hanggan ay inyong maiibigan at samahan sila sa kanilang kabiguan at tagumpay. Sabi nga ni Coco sa exclusive tell all interview nila ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda sa The Buzz, ‘yung pag-arte niya ay nangagaling sa kanyang puso at kitang-kita naman ito sa kanyang performance.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply