Katiwalin sa NLRC busisiin!

ISA sa mga ahensya ng gobyerno na matindi at sukdulan din ang katiwalian ang National Labor Relations Commission (NLRC).

Dangan nga lamang hindi ito pinapansin, pero kung bubusisiin, aba’y ‘di  ito nalalayo sa ilang corrupt government agency.

Alam na – ‘di lang  sa Pinas, kundi sa buong mundo ang katiwalian sa Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Dapat na sigurong isama sa listahan ng most corrupt government agencies ang NLRC dahil sa tumitinding kalokohan dito.

Karamihan sa mga nabibiktima sa opisinang ito ay ang mahihirap nating mga kababayan kagaya ng laborer, guwardya, atbp.

Katulad na lang ng sum-bong sa atin ng ilang guwardya ng Star Special Watchman Detective Agency Inc. (SSWDAI).

Kuwento ng mga nanggagalaiti at nagrereklamong guwardya, napakaraming violations na binabaluktot ang nasabing kompanya.

Katulad ng ‘di pagpapasuweldo sa itinatakda ng batas na minimum pay, walang back pay, 13th month pay at iba pang benefits.

Ang kanilang daing ay dinala nila sa NLRC, sa pag-aakalang matutulungan sila sa problema sa SSWDAI.

Ngunit ang kanilang inaasahan ay ‘di nangyari dahil hinokus-pokus daw ang kanilang ihinaing reklamo laban sa agency.

Matagal na tayo sa media at napakarami na tayong natatanggap na reklamo laban sa ilang corrupt na arbiter at sheriff sa NLRC.

Wala – at kung mayron man  nananalong isinasampang kaso ang mga kawawang trabahador na natatanggal, siguro’y pailan-ilan lang.

Paano ba naman kasi, nasisilaw ang ilang NLRC official sa alok ng mga employer para lamang pumabor sa kanila ang desisyon.

Kumbaga, walang kalaban-laban ang mga dismissed employee na naghahabol ng kanilang benefits na dapat ibigay ayon sa batas.

Kaya, suhestiyon natin kay Pangulong Noynoy Aquino, patiktikan niya ang nangyayaring ‘lagayan’ diyan sa NLRC.

Kasi kawawa ang mga maliliit nating trabahador. Napakaliit na nga ang kanilang suweldo, ‘di pa nakukuha ang dapat na benefits.

Panahon na rin siguro para magtalaga si Pangulong Noynoy ng mga opisyal na karapat-dapat para mabura ang katiwalian sa ahensya na ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply