KC Concepcion nagamit ba sa relasyon nila ni Piolo?

PAKIRAMDAM namin ay hurting pa rin si KC Concepcion hindi sa break-up nila ni Piolo Pascual dahil buong puso naman niya itong tinanggap. Pakiramdam din namin, iniiyakan nito ang pagligaw sa kanya ng aktor and eventually, naging magsyota sila. Posibleng napag-isipan niya ngayon na nagamit siya ng aktor para lalong lumabas ang ‘machismo’ nito.

It was a great chance to be talking with KC Concepcion isang gabi sa ABS-CBN compound. Naluha-luha siya nang yumakap sa amin.

Feeling namin, she was in need of comforting words sa mga pinagdadanan niya ngayon. Hence, malakas ang paniniwala namin na naluha siya dahil sa self-pity na pakiramdam nito, nagamit siya. Napaglaruan siya.

Come to think of it, bakit ba siya niligawan at inamin pa on national TV ng aktor na mag-on na sila kung hindi naman nito mapaninindingan ang kanilang relasyon? And, kung hindi naman pala nito mabigyan ng quality time ang aktres.

Kung totoo ang balita na ayaw kay KC ang kampo ng aktor dahil masyado itong nasa high-end at ang turing nila sa aktres ay isang prinsesa. Thus, paano umano nito maibigay ang lahat ng oras sa aktor kung kaliwa’t kanan ang kabisihan sa trabaho?

Ang balita, sa sobrang pagmamahal ni KC sa aktor ay nagawang bumaba ito sa kanyang pedestal para maabot ng mga taong nagmamahal sa aktor. As in, nagpaka-masa para mahalin ng mga fans ng aktor.

Poor girl!

***

Calayan, iwas-intriga sa paglipat ng bagong lugar ng klinik

IWAS-INTRIGA ang mag-asawang Drs. Manny and Pie Calayan kaya agad sila nag-post sa Facebook tungkol sa kanilang paglipat ng kanilang klinik na rati ay nasa Hollywood area ito matatagpuan. Ayon sa kanila, matagal nang kahilingan ng kanilang mga kliyente na lumipat ng building na may malaki at spacious na parking area.

Narito ang nakasaad sa kanilang post: “This is to inform all our valued clients that Calayan Aesthetics-Los Angeles has moved to a new and better location with more parking space to 1101 S. Robertson Boulevard, Suite 201, Los Angeles, Ca90035. Tel #310-598-9369. You can email us: calayanaesthetics@yahoo.com for appointments here in LA.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply