Kelot dumive sa ilog, dedo nang lumutang sa estero

WALA nang buhay nang makitang palutang-lutang sa tubig ng estero ang isang lalaki sa Tondo, Maynila kaninang umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Roland Sacapano, 40-anyos, walang trabaho at taga-1257 Wagas cor. Masinop St. Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District Homicide Section, dakong 6:45 ng umaga ng matagpuan ang bangkay ng biktima na nakalutang sa Estero De Cabulosan sa may Old Torres St. Tondo, Maynila.

Nauna rito, nagkayayaan umano ang biktima at kaibigan nito na uminom hanggang sa malasing at nagpumilit itong maligo sa ilog.

Inawat naman ito ng isang barangay tanod ngunit nagpumilit pa rin at itinuloy ang kanyang gusto.

“Wag mo akong pakialaman” ito umano ang huling sinabi ng biktima sa tanod bago pa man ito tuluyang lumundag sa ilog.

Kinaumagahan ay nakita na lamang na lulutang-lutang sa ilog ang biktima na agad na inireport sa pulisya.

Hinala ng pulisya, nalunod ang biktima sa sobrang kalasingan at tinangay ito ng agos hanggang dalhin sa estero sa nasabing lugar.

Dinala sa Cruz Funeral Home ang bangkay ng biktima para sa awtopsiya at safekeeping.

Inaalam din ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply