Kelot inatake ng epilepsy, tigok

BUMUBULA na ang bibig nang balikan ng isang concerned citizen ang isang hindi pa nakilalang lalaki na umano’y inatake ng sakit na epilepsy kaninang umaga sa likod ng Post Office sa Ermita, Maynila.

Inilarawan ni P/Senior Insp. Joey Ocampo ang biktima na tinatayang nasa edad 25-30, kayumangi ang kulay, nakasuot ng brown na T-shirt at asul na short.

Sa report ni PO2 Jose Gumilan ng Manila Police Distirct Homicide Section, dakong alas-4:45 ng umaga ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa likod ng Post Office Manila Mulle Del Rio sa Ermita, Maynila.

Nabatid na isang Larry Balingan naman umano ang nakakita sa biktima na sinusumpong ng kanyang epilepsy kaya agad itong humingi ng tulong subalit pagbalik nito sa kinalalagyan ng biktima ay matigas na ang dalawang kamay nito at bumubula na ang bibig.

Ang bangkay ng biktima ay dinala na sa Saint Yvan Funeral Home para sa awtopsiya at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply