Kelot na hubo’t hubad lumutang sa Ilog Pasig

HUBO’T hubad  nang matagpuan ang isang lalaki palutang-lutang sa ilog Pasig kaninang umaga sa Punta, Sta. Ana, Maynila.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 20 hanggang 30, may taas na 4’ 10” hanggang 5’, kayumanggi, may tatak na sputnik sa kanang binti at may tattoo “Boy Santos” sa  kaliwang binti at “Bonpi” naman sa likurang bahagi ng katawan.

Sa report ni SPO2 Benito Cabatbat, nakitaan din ng lapnos ang dibdib ng biktima at ito ay walang kahit anong saplot sa katawan nang matagpuan dakong alas-6:30 ng umaga.

Isang concerned citizen umano ang nakakita sa bangkay ng biktima na palutang-lutang sa Ilog Pasig sakop ng Punta, Sta. Ana kaya agad niya itong ipinabigay-alam sa pulisya.

Maliban sa nakitang lapnos sa  didbib ay wala namang nakitang anumang sugat o saksak sa katawan ng biktima.

Patuloy naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya,kaugnay sa pagkakakilanlan ng biktima.

DInala ang bangkay ng biktima sa St.Yvan Funeral para sa awtopsiya at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply