Kelot na nakasilid sa garbage bag itinapon sa Maynila

NAKABALOT ng masking tape ang ulo, may busal ang bibig at may marka ng pagkakasakal sa leeg ang isang lalaki na isinilid sa isang garbage bag at saka itinapon sa Malate, Maynila kaninang madaling-araw.

Hinihinalang biktima ito ng summary execution.

Ayon sa Manila Police District–Homicide Section, natagpuan ang bangkay ng ‘di pa nakilalang lalaki sa kanto ng Agoncillo at Remedios sa Malate, Maynila.

Inilarawan ang biktima na edad na 40, may taas na 5’7″, katamtaman ang pangangatawan nakasuot ng light blue shorts at t-shirt, may tattoo sa katawan at may indikasyon na miyebro ng “Sputnik Gang.”

Patuloy naman ang isinasagawang imbestiagsyon ng pulisya sa insidente. Jocelyn Tabagcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply