Kelot na problemado nagbigti, dedo

MAKARAANG hindi makayanan ang kinakaharap na problema sa buhay, isang 23-anyos na lalaki ang nagbigti sa sarili sa loob mismo ng kanilang bahay sa Novaliches, Quezon City Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si James Andrade, binata, walang trabaho nat taga-Area 4 Mangga St., Barangay Capri, Novaliches, QC.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station 4 Novaliches, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong 5:00 ng madaling araw sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima.

Sinabi ni SPO2 Jojo Reyes, na natagpuan ni Maritess Andrade ang anak na nakabitin sa biga ng ikalawang palapag ng kanilang bahay, kung saan nakatali ng nylon cord ang leeg.

Nabatid pa sa ulat na wala sa isip ng mga magulang ng biktima na magpapatiwakal ito dahil bago pa naganap ang insidente nagdiwang pa ito ng kanyang ika-23 na kaarawan sa kanilang bahay kasama ng mga kaibigan.

Hinihinala ng pulisya na isang matinding problemang personal ang siyang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima para tapusin ang kanyang sariling buhay.

Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para mabatid kung nagkaroon ng foul play sa pagkamatay nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply