Kelot na umawat sa away, tigok sa saksak

MATAPOS umawat sa nag-aaway ng dalawang kapitbahay, isang 53-anyos na lalaki ang namatay sa saksak sa Tondo, Maynila kagabi (Enero 10).

Nagtamo ng isang saksak sa kaliwang dibdib at braso ang biktima na kinilalang si Joel Boquero Y Ramirez, may-asawa, tambay at taga-Bldg. 33 Temporary Housing Vitas Tondo.

Samantala, nadakip naman sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Smokey Mountain Police Community Precinct ang suspek na nakilalang si Ruelito Peteros Y Estaura, 36, binata at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat ni Det. Virgo Villareal, may hawak ng kaso, dakong 8:00 ng gabi nang maganap ang pananaksak sa pagitan ng isang iskinita sa Unit 32 at 33 sa nasabing lugar.

Nabatid sa report ng pulisya, kapwa may patalim ang suspek at ang isang alyas Randy nang pumagitna sa away ang biktima.

Dahil dito, nagpakawala ng isang unday ng patalim si Peteros at tinamaan sa kaliwang dibdib at sa braso ang biktima.

Nasaksak pa ni Randy si Peteros sa likod bago kapwa tumakas ang dalawa.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, nadakip si Peteros habang pinaghahanap pa ngayon si Randy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply