Kelot nanungkit ng panty, huli

HINDI na nakapalag pa ang isang lalaki matapos maaktuhang nagnanakaw ng isinampay na panty sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte

Kinilala ang suspek na si Jay-ar Dalip, 25-anyos, magsasaka at residente sa naturang lugar.

Ayon sa pahayag ni Cynthia Tabius, nakita niya mismo si Dalip na kinukuha ang panty ng kanyang anak na bagong laba na nakasabit sa kanilang sampayan.

Dahil sa pagsisigaw niya, rumesponde ang mga kapitbahay at hinabol si Dalip na agad na nahuli at binitbit sa himpilan ng pulisya.

Hindi naman ikinulong ng mga pulis si Dalip, bagkus ay pinayuhan na huwag nang uulitin ang pangunguha ng panty.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply