Kelot patay sa gang war sa Tondo

HINIHINALANG biktima ng gang war ang natagpuang bangkay ng hindi kilalang lalaki sa permanent housing sa Tondo, Maynila, kaninang madaling-araw, Enero 18.

Nabatid na may tatlong tama ng kalibre.45 baril sa pisngi ang biktima na inilarawan lamang na nakasuot ng puting sando, maong na pantalon at may tattoo na “TBS 13”.

Ayon sa mga barangay tanod, hindi tagaroon ang lalaki at posibleng biktima rin umano ito ng gang war.

Bago ang insidente, nakita pa raw ito na nakamotorsiklo at may angkas na isa pang lalaking kulot at naka-jacket.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply