Kelot pisak sa armored van

NAMATAY habang ginagamot sa Philippine General hospital (PGH) ang isang 24-anyos na vendor matapos masagasaan ng armored van habang papatawid sa Quezon bridge sa Quiapo, Maynila kaninang madaling araw.

Kinilala ni P/Sr.Inspector Joey de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang si John Vicente Rey, may-asawa at taga-1003 Arlegui St., Quiapo, Maynila.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng driver ng armored van na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni SPO1 Mariano Lising ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong 4:00 ng madaling araw nang naganp ang insidente sa Quezon bridge.

Binabagtas umano ng drayber ang direksiyon ng Manila City Hall (southward) nang pag-akyat nito sa Quezon bridge ay bigla umanong tumawid ang biktima dahilan upang ito ay masagasaan .

Isinugod ng ilang saksi ang biktima sa ospital subalit namatay din habang ginagamot.

Wala naman sa mga saksi ang nakakuha ng plate number ng nasabing armored van na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply