Kelot tepok sa bomba sa Quezon, 2 grabe

PATAY ang isang lalaki habang dalawa naman ang kritikal makaraang masabugan ng bomba na napulot sa isang encounter site sa Plaridel Quezon.

Nabatid na dead on arrival sa ospital si Nico Alvarez , 20 at kasalukuyang ginagamot naman sina Manolo Caridad at Arjay Cabañal, kapwa 15-anyos.

Base sa imbestigasyon, napulot ni Alvarez ang bomba sa bulubunduking bahagi ng Barangay Daang Bundok na nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA) noon pang Disyembre 2007.

Inihampas umano ni Alvarez ang bakal sa pader habang inaawat ng dalawa nang biglang sumabog.

Kasalukuyang inaalam pa ng pulisya kung anong klaseng bomba ang sumabog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply