Kelot tinamnan ng 2 bala sa ulo sa Las Piñas

PATAY ang 32-anyos na lalaki nang barilin ng dalawang beses sa kanyang ulo ng hindi nakilalang salarin habang papauwi na sa kanilang bahay kaninang madaling-araw sa Las Piñas City.

Namatay kaagad si Marvin Limbaga, ng Blk 13 Lot 14 Bernabe Compound, Pulang Lupa I sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

Sa imbestigasyon nina PO3 Bobbe Imbo at SPO1 Angelo Dimaapi ng Station Investigation Division ng Las Piñas Police, galing sa pakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan ang biktima at naglalakad nang pauwi sa madilim na eskinita sa Real St.,dakong alas-5 ng madaling-araw nang sundan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nang mapalapit na ang suspek kay Limbaga, itinutok na ang dalang armas at dalawang ulit na ipinutok sa likurang bahagi ng ulo ng biktima bago nagmadaling tumakas patungo sa hindi nabatid na direksiyon.

Labis namang nabigla ang kalive-in ng biktima na si Rose Marcos, 32, sa pangyayari lalo na’t wala siyang alam na dahilan upang patayin ang kanyang kinakasama.

Mabait at wala siyang alam na kaaway ang kalive-in maliban sa pagkahumaling lamang nito sa pag-inom ng alak kaya maging ang pulisya ay blangko rin sa motibo ng pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply