Khan hilaw para kay Mayweather

PARA kay former world champion Ricky Hatton, masyado pang hilaw sa karanasan si Amir Khan para iharap kay undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr.

Ayon kay Hatton, hindi pa panahon para kay Khan para harapin ang mabangis na si Mayweather dahil kulang pa siya sa karanasan sa ibabaw ng ring.

Si Hatton ay natalo na ni Mayweather via KO noong taong 2007 at nalugmok din ito sa kamao ni Manny Pacquiao.

Sabi ni Hatton, sariwa pa sa pagkatalo si Khan kaya hindi muna ito dapat magbalak na sagupain ang kagaya ni Mayweather.

Matatandaan na nasira ang unang pangarap ni Khan na makaharap si Mayweather matapos itong maagawan ng IBF at WBA titles ni Lamont Peterson noong December 2011.

“If Amir could put in a good performance against Peterson, he will improve his position when he can sit down at the negotiating table,” sabi ni Hatton.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply